Wednesday, March 30, 2011

Chapter Five

“tara na” inaya ko na si Jay bumalik sa table namin

may drinks pala tong mga bruha dito
hindi man lang sila nag sabi.. damot nyo! =_=

si Keith na lang ang hinihintay namin, dahil sya na lang ang umiinom, nakadalawa sya?! O_O

next bar, aba na hype ang Lizza!
ganda kasi ng tugtog, tapos hilig pa nya yung mga ganung phase.. so enjoy sya sa dance floor

at kami? eto naiwan sa table

nananahimik lang ako dito sa pwesto ko
“Len, may problema ka ba?” tinanong ako ni Hilary
yan na namang tanong na yan.. =_=
umiling ako tapos ngumiti sa kanya

“e kanina ka pa kasi umiinom eh, simula sa unang bar umiinom ka na..”
“bakit? bawal na ba uminom ngayon?” tapos pilit akong tumawa.. ano nga bang nangyayari saken?
“hindi naman, pero pang ilang Blue Motorcycle mo na ba yan? naka isang Apple Martini ka na diba?”
napatingin ako sa hawak kong baso
O_O nakakadalawa’t kalahati na ako nito?!

“naparami na pala ako.. hindi ko napansin.. yaan nyo na, enjoying the night lang naman ako eh” tapos inistir ko yung iniinom ko

umiling si Hilary
“ewan ko sayo Len, hindi ka naman ganyan eh”
nag pout ako, tama sya, hindi ako ganito

napatingin ako sa kanan ko, nakatingin saken si Jay
“o bakit? sesermunan mo din ako?” sabi ko sa kanya tapos nag bleh ako
nag chuckle sya
“baliw, alam mo kung bakit ako ganito makatingin sayo”
haaayy.. binitawan ko na yung hawak kong baso.. tama na, galit na si BF ko..

yumuko ako sa table, medyo nahilo ako, naramdaman ko yung pagtayo ni Hilary
traydor ata tong nainom ko eh

may tumabi saken pero hindi ko sya tinignan

“halika na, iuuwi na kita”
nagulat ako sa narinig ko, ako?? iuuwi?!
napatingin ako sa nagsabi nun.. si Jay! @_@

“o bat ganyan ka makatingin?”
“sabi mo iuuwi mo na ako??”
“oo, bakit?”
“waaaah!! GF ako ng pinsan mo ano ka ba!” natigilan sya sa sinabi ko
tapos bigla syang tumawa.. huh??
umiling sya after nyang tumawa, parang baliw naman tong lalakeng to

“lasing ka na talaga, hindi na tama yang mga tumatakbo sa utak mo. ang ibig kong sabihin ihahatid na kita sa inyo, akin na yung susi ng motor mo..” sabi nya saken
“aaaaahhhh!!! yun pala yun” tapos inabot ko sa kanya yung susi.. yehey, sya mag dadrive
“ano ba nasa isip mo?” tinanong nya ako
“wala naman” tapos nag bleh uli ako sa kanya

sumandal ako sa sofang inuupuan ko
“mag pahimasmas ka muna” narinig kong sabi ni Jay tapos tumayo sya

“Jay!” tinwag sya ni Dai, bakit kaya?


Jay’s POV

naparami inom ni Len, nababaliw na talaga to.. tss
maiiwan ko tuloy si ate mamaya pag hinatid ko sya

bigla akong tinawag ni Dai after ko pagpahingahin si Len.. bakit kaya?
lumapit ako sa kanya

“Jay, may itatanong ako” sabi nya agad saken
tumango ako, pero nag excuse ako sandali

“teka lang Dianne, may tatawagan lang ako”
“sige, bilisan mo ha?” tapos tumingin sya kay Len
ano kaya meron?


“hello Tof, ihahatid ko kasi si Len sa bahay nila, nakainom na kasi, alam mo namang motor lang ang dala nya.. baka pwedeng ikaw na muna maghatid kay Keith sa bahay namin”

“dito sa bar.. dito sa ...”

“sige sige, hintayin muna kita bago kami umalis ni Len”

“hoy, sa bahay namin mo iuuwi ha?!”

“umayos ka kung gusto mo pang sikatan ng araw, loko loko ka”

“sige, ingat. ibibigay ko yung susi dito. bye”

tapos bumalik ako kay Dianne
bakit ganun? parang kakaiba yung nararamdaman ko sa sasabihin nya?

“Dai, musta?” bati ko sa kanya, ngayon lang kasi kami nagkaharap ngayong gabi
“okay lang ako, Jay wag na tayo mag paligoy ligoy..” medyo nagulat ako sa sagot nya, ano ba talaga meron?
“anong ibig mong sabihin Dai?”
“break na ba sila Len at Lyndon?” nabigla ako sa tanong nya, tapos napatingin ako kay Len

kaya ba sya nagkakaganito, ay dahil sa pinsan ko?

“bakit mo nasabi? dahil sa pag inom nya?” tumingin uli ako sa kanya, ayoko mag jump to conclusions
“hindi yun”
“e ano?”
“kasi, nakita ko si Don sa --”

“saan?!” tapos umupo sya sa tabi ni Dianne
anak ng tokwa! bakit andito si Len?! akala ko ba magpapahinga sya?

“o Len? akala ko magpapahinga ka muna?” nagulat din si Dianne, pasulpot sulpot naman kasi Len! anu ba?

napatingin ako kay Dianne, may kailangan kami pagusapan..
pero sa ngayon.. etong si Len muna

tinawagan ko uli si Kristof

“pre, iiwan ko na lang kay Keith yung susi.. sa bahay namin(!!) mo iuwi ha? umayos ka”

“kasi si Len, kailangan ko nang iuwi to sa kanila.. baka magkalat pa dito eh”

“baliw! bilisan mo na, asan ka na ba?”

“o sige sige, mauna na kami.. hoy umayos ka ha?”

tinapos ko na uli yung tawag..

“Dai, may kotse ka bang dala?”
“oo, wag ka nang mag-alala samen nila Hilary at Lizza, ako mag uuwi sa kanila”
ngumiti ako tapos nilapitan ko na uli si Len

pinalo ko ng mahina yung noo nya
“aray!” angal nya
“iinom inom ka, hindi mo na pala kaya!”
nag pout sya, anak ng.. halikan kaya kita dyan?! tsk

“sorry na” sagot nya tapos tumayo.. gumewang sya
haaayy.. papano kami lalakad nito kung gumegewang sya?
andun pa naman sa unang bar na pinuntahan namin naka park yung motor nya..

napakamot ako, buhatin ko na kaya sya?

tumahimik sya sandali.. tapos yumuko..

“Jay” tinawag nya ako
“o bakit?” tumabi ako sa kanya
“ok ka pa ba? nasusuka ka?” tinanong ko sya
“sorry ha?” tapos nagpunas sya ng mata???!
“umiiyak ka ba?” O_O
umiling sya tapos nung inangat nya yung mukha nya nakangiti na sya

nagkatinginan kami ni Dianne
tapos sinenyasan nya akong umalis na kami

“ipaalam mo na lang kami kila Lizza at Hilary ha?”
“sige, mag ingat kayo ha? .. di pa tayo tapos Jay” tumango ako

“Keith!” tumingin saken si ate
hinagis ko sa kanya yung susi
“hintayin mo si Tof, sa bahay kayo dumiretso ha?”
“sige, ingat kayo ha? si Len ingatan mo”

pababayaan ko ba ang babaeng mahal ko? kahit buhay ko pa kapalit, maprotektahan lang sya gagawin ko.

Tuesday, March 29, 2011

Chapter Four

“huist!”
napalingon ako sa kanya

grabe, natutulala ako, ang ganda ganda nya talaga
nag snap sya, natauhan ako bigla

“okay ka lang Jay?” tinanong nya ako
tumango lang ako tapos yumuko, nahiya ako sa naging reaction ko.. ilang minuto ko na ba syang tinitignan?

“ehem, balik na tayo sa table” inaya ko na sya
“mmm, sunod na lang ako. kuha lang ako ng drinks ko”
tumango lang ako tapos bumalik sa table, sobrang nahiya talaga ako, nakahalata kaya sya?


nakita ko syang pabalik na may hawak na Margarita
medyo kinakabahan ata itsura nya ah? bakit kaya?

ngumiti ako sa kanya
agad syang kumapit sa braso ko tapos tumingin sa bar
may mali eh, ano kayang nagyare dun kanina?

tinignan ko sya nung kumapit sya saken
may tinitignan sya sa bar, tinignan ko din

“may problema ba Len?” tinanong ko sya
“wala naman” tapos ininom nya yung hawak nya
“are they bothering you?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa tatlong lalakeng nakatingin din samen
“errr..” sh*t sabi ko na nga ba eh.. napormahan na sya, buti na lang nakabalik sya agad dito samen

“yaan mo na sila, I already settled things with them, they will not bother us” sabi nya saken
pinabayaan na namin yung tatlo, mukhang kailangan ko na naman syang bantayan ah? di pwedeng may makalapit sa kanya

nung naubos nya yung iniinom nya bigla syang napabitiw sa pagkakahawak saken

“Dai!!!!” =_= maingay nga din pala tong si Len
himala, andito na si Dianne? ngayon ko na lang uli sya nakita ah?

“Len!!” niyakap nya si Len
“kelan ka pa dumating?”
“kanina lang, tinawagan ako ni Keith” aba, kung makapanghakot ng kasama tong si ate.. galing ah?
“ito naman, wala ka na bang jetlag?”
“wala na, tsaka papalampasin ko ba tong party party na to?”

lumipat kami ng Bar

humawak na uli sya saken. yes!

pagpasok namin sa sunod na bar

*_* - ako
^o^ - Keith at Len
+_+ - Hilary
o_O - Lizza
~_~ - Dianne

dang! bakit ganito ang tugtog dito?! slow dance??

“wow! astig tong bar na to ah? kakaiba” narinig kong sabi ni Len
napatingin kami sa kanya

“gusto mo dito?” tanong ni Lizza
naghahanap siguro sya ng fast phase music, magaling na dancer kasi si Lizza

“ayaw nyo?” tanong ni Keith.. ate, kinampihan mo pa si Len, ayoko din naman dito eh
“oo nga, ayaw nyo?” ginatungan pa ni Len si ate.. =_= tss

wala kaming nagawa, kahit majority wins, gusto nung dalawa dito

pumunta ako sa bar, nauuhaw na ako

“one shot” sabi ko sa bartender
weird ko noh? nauuhaw pero shot ang hiningi

binigay nya saken yung shot ko
pagka tunga ko, nakita ko si Len sa dance floor
agad akong tumayo para lapitan sya

“Jay!” tinawag nya din ako
nginitian ko sya


Playing : Fallin'

Our little conversations
Are turning into little sweet sensations
And they’re only getting sweeter every time

watda?! shiiiii.. bakit ganito ang tugtog?? iwas Jay, iwas!! *_*

Our friendly get togethers
Are turning in to visions of forever
If I just believe in this foolish heart of mine

anak ng tadhana nga naman oh!
imbis na puntahan ko si Len, napabalik ako sa bar

nakita ko pang nag pout sya, sorry Len.. =_= hindi ko kinakaya yung kanta eh ..

I can’t pretend that I’m just a friend
Cause I’m thinking maybe we were meant to be


“beer please” kailangan ko lang siguro pababain sa tyan tong nararamdaman ko, letse naman kasi yung kanta eh! tumiming pa talaga, pwede namang pag alis namin diba?


I think I’m fallin’
Fallin’ in love with you
And I don’t, I don’t know what to do

biglang tumabi saken si Len sa bar
napatingin ako sa kanya, nakatingin di sya saken @_@ daaaaamn!!
na hi-hypnotize ako

I’m afraid you’d turn away
But I’ll say it anyway

“I think I‘m falling for you” nasabi ko
O_O - Len

I think I’m fallin’ .. for you
I’m fallin’ for you

“ha?!” tinanong nya ako
lagot, narinig pala nya. isip Jay!! isip!!

“sumabay lang ako sa kanta” sagot ko
“aahh, naunahan mo naman yung kanta eh” sabi nya tapos nagsmile sya ng .. pilit??

Whenever we’re together
Wishing that goodbyes would turn to never
Cause with you is where I always wanna be

“tequila please” narinig kong sabi ni Len, tss lakas naman sa alak ng babaeng to ngayon! pero alam ko, hindi sya umiinom pag simpleng ganito lang eh, may problema kaya sya?

Whenever I’m beside you
All I really wanna do is hold you
No one else but you has meant this much to me

“bat kanina ka pa umiinom?”
tumingin lang sya saken tapos ngumiti
“may problema ka ba?”
umiling lang sya

I can’t pretend that I’m just a friend
Cause I’m thinking maybe we were meant to be

I think I’m fallin’
Fallin’ in love with you
And I don’t, I don’t know what to do

I’m afraid you’d turn away
But I’ll say it anyway

I think I’m fallin’ .. for you
I’m fallin’ for you

paulit ulit na yung chorus nung kanta
Len, ano bang nangyayari sayo?
inubos nya yung iniinom nya, saktong natapos din ako saken

Monday, March 28, 2011

Chapter Three

“I‘m on my way Lizza, nahihirapan ako mag concentrate sa pagma-- ” *malakas na preno*
“what happened?” tanong sa kabilang linya
“I gotta go, be there in a few” in-end ko na yung call

tinabi ko yung motor ko sa gilid, tinangal ko yung helmet ko

“sorry po” tapos inalok ko yung kamay ko sa lalakeng muntik kong masagasaan
nagulat sya, unexpected bang babae ang nasa motor ko? ~_~
nag bow ako bilang sorry
pinagpag nya lang yung pantalon nya after tumayo

“sorry po uli” sabi ko, tumango lang sya
taray ni kuya! hmp, makaalis na nga

dumating ako sa Bar
hinanap ko agad sila Lizza

“babyLen!” narinig kong tawag.. isa lang ang tumatawag saken ng ganun, si Hilary
nilingon ko kung saan galing yung boses, medyo nahirapan pa akong makita, daming sumasayaw!!

may humatak sa kamay ko, kinabahan ako bigla
dinala nya ako sa ..

.. mga kaibigan ko? andito na ako sa harap nila Hilary? nilingon ko yung humatak saken dito.. si Jay pala

“babyLen!!” tili ni Hilary tapos tumayo sya at niyakap ako
niyakap ko din si Hilary “namiss ko kayo!” sabi ko

biglang syang bumitaw saken tapos sumimangot
“bakit ganyan suot mo?!”

=_= napansin nya yun? sabagay naka black spaghetti na pinatungan ng black leather jacket, maong and black & white Chuck Tailor kasi ako

“magbibihis pa naman ako, pano naman kasi ako mag dadrive kung naka dress ako diba?” sagot ko sa kanya
“sabagay, o magbihis ka na”
tumango lang ako

oo nga pala. andito yung kambal

in fairness ang cute ni Keith, wala talaga syang kupas pag ganitong mga gimmick, cute nya pumorma!

eto namang si best friend, kahit sinong babae ata mapapalingon sa kagwapuhan nya, ang simple ng suot nya pero ang lakas lakas ng dating nya

kahit naman kasi basagulero sya, makikita mo padin na high class ang pinang-galingan nyang pamilya, ni hindi mo talaga maiisip na kasali sya sa fraternity.

nagpunta na ako sa rest room para mag bihis

mga 30mins din akong nag ayos

nagulat na lang ako nung nakita ko si Jay na nasa gilid malapit sa rest room, sabagay dapat sanay na ako.. mawala lang ako halos sa paningin nya kumakaripas na ng takbo yan, lalo dito sa Bar, binilin kaya yun ni Don? talo pa ata nya si Don sa pagbabantay saken.. hmm, nilapitan ko si Jay ..

“huist!”
napalingon sya saken

ang tagal na nya akong tinitignan..
Jay, wag naman ganyan oh.. =_=
nag snap ako sa harap nya

^o^ sawakas, natauhan din sya
“okay ka lang Jay?” tinanong ko sya
tumango lang sya tapos yumuko, hala. weird talaga ng taong to!

“ehem, balik na tayo sa table” aya saken ni Jay, kaso nauuhaw na ako
“mmm, sunod na lang ako. kuha lang ako ng drinks ko”
tumango uli sya tapos bumalik na sa table namin

nagpunta ako sa bar

“one Margarita please”
“I‘ll buy her the drinks” narinig ko galing sa likod, hala hindi ko to kilala.. cool lang Len, keep your cool
nagsmile ako sa bartender, yung order ko intindihin mo kuya!!

“hi miss, come here often?” anak ng, may nasalita bigla sa kaliwa ko, hindi sya yung nasa likod ko kanina
T_T bakit kayo ganyan?

ibinigay na ng bartender yung drinks ko
“want another drink miss?” tanong naman galing sa kanan ko, paktay tayo dyan
muntik ko pa maibuga yung iniinom ko, nakakagulat kasi sila
Jay!! asan ka ba pag kailangan kita? huhu

“hey! back off dudes, I was here first”
“what made you think she will pick you?”

humarap ako sa mga kaibigan ko, busy silang lahat.. bahala na, kaya ko to!!

“guys, guys.. don‘t fight over me, don‘t get me wrong but.. I don‘t go for boys, I go for real men” tapos tumayo ako dala yung drinks ko pabalik sa mga kaibigan ko

hindi ko alam kung nakasunond padin sila ng tingin saken
basta ang unang pumasok sa isip ko e ang lapitan si Jay

tumingin sya saken tapos ngumiti
agad akong kumapit sa braso nya tapos tinignan ko yung tatlong lalake kanina
haha!! bleh!! kala nyo ha, andito best friend ko!

tumingin saken si Jay nung kumapit ako sa kanya
tinignan nya din yung mga lalake kanina

“may problema ba Len?” tinanong nya ako
“wala naman” sabay inom sa Margarita ko
“are they bothering you?” tanong nya saken habang nakatingin dun sa tatlo
“errr..”  magsisinungaling ba ako sa kanya?

“yaan mo na sila, I already settled things with them, they will not bother us” sagot ko
“I hope so” bulong ko pagkatapos sumagot kay Jay.. ayokong mapa away kami dito
inilayo ko na yung tingin namin sa tatlong lalakeng yun

after kong ubusin ng Margarita ko biglang nagtayuan sila Hilary, Lizza, Keith at Dianne.. Dianne?!!

“Dai!!!!” napatili ako nung nakita ko sya
sya kasi ang childhood best friend ko, ngayong college lang kami nagkahiwalay
as in simula elementary hanggang high school magkasama na kami

“Len!!” niyakap nya ako
“kelan ka pa dumating?”
“kanina lang, tinawagan ako ni Keith” sa ibang bansa kasi sya nag aral, sa US
“ito naman, wala ka na bang jetlag?”
“wala na, tsaka papalampasin ko ba tong party party na to?” ngumiti sya saken, grabe namiss ko sya!

magkakakilala ang mga pamilya namin kaya hindi na iba sa kanya sila Keith at Jay
sila Hilary at Lizza mga kaibigan namin since HS pa lang

lumipat na kami ng Bar


Jay’s POV

kanina pa kami dito sa Bar na to, ang tagal naman ni Len

binabaan pa nya si Lizza kanina, ano na kayang nagyari dun sa babaeng yuh? tsk

maya maya nagulat na lang ako nung napatili si Hilary, babyLen daw.. ibig sabihin andito na si Len

nakita ko syang palingon lingon, hindi nya ata makita pwesto namin, dami kasing tao

pinuntahan ko na sya para hatakin, nagulat sya nung hinawakan ko kamay nya =_= nasa lahi ba nila magugulatin?

nung nakarating na kami sa table namin, napatingin sya saken

“babyLen!!” sumigaw si Hilary, tss.. mga babae talaga! ang ingay!
niyakap sya ni Len, ako ba wala? “namiss ko kayo!”

binitawan sya ni Hilary tapos sinimangutan
“bakit ganyan suot mo?!”

maganda naman suot ni Len ah? hindi sya pag iinteresan ng mga kung sino dito sa Bar

“magbibihis pa naman ako, pano naman kasi ako mag dadrive kung naka dress ako diba?”
sagot nya kay Hilary, naku mag bibihis.. panigurado pipilahan na sya neto, sa ganda ba naman ng figure ng babaeng to, bakla na lang ang hindi magka interes.. tsk
“sabagay, o magbihis ka na” sabi naman ni Hilary
tumango sya

nagpunta sya sa rest room para mag bihis
mga 30mins na sya dun kaya sinundan ko na, baka naharang na kasi sya ng mga lalake

nakita ko na syang lumabas ng rest room

Sunday, March 27, 2011

Chapter Two

hindi ko kayang makita syang naglalakad palayo saken ng galit kaya nilakasan ko na naman ang loob ko, hinabol ko sya tapos hinawakan ko yung braso nya. nagulat ata sya dahil sa nakita kong reaction nya, ako padin si makapal ang mukha, niyakap ko sya. wala namang malisya sa kanya yun eh.. kahit saken wala, pero hinihiling ko na sana ganun na lang kami sa position na yun..

nag sorry ako sa kanya

“sorry na Len, kasi naman bigla mo akong sinigawan.. kagagaling ko nga lang sa away tapos sinungitan mo ako agad, para naman sayo yung ginawa ko eh.. sorry na” nakayakap ako sa kanya habang sinasabi yan

tapos bumitaw na ako, awkward na kasi, baka mailang pa sya saken
ihinarap ko sya saken

“ako?! dahil saken? bat lagi na lang ako ang dahilan? ayos ka ah?”
“seryoso ako Len, maniwala ka” pinaseryoso ko yung mukha ko para maniwala sya
“bakit? sabihin mo nga kung bakit ako yung dahilan mo kung bat ka nakipag away?” kaso eto na naman yung tanong nyang ni minsan e hindi ko nasagot..
“e kasi..”
“ano?” ayan pa! isang word lang pero ang hirap sagutin.. tss
“bad trip! basta.. hindi mo na kailangan malaman, basta ikaw ang dahilan kung bakit!” nagpapalusot na ako
“bakit nga ako! sabihin mo!” maawa ka naman saken Len, nahihirapan ako magpalusot eh

“kasi..” umiisip ako ng maisasagot sa kanya
“kasi ano?” anu na gagawin ko? pero uy himala, kumalma na sya, napansin nya siguro na kinakabahan ako

bumuntong hininga ako, alam nya napipikon na ako, pero syempre cover ko lang yun..

“o sorry na, ako na dahilan.. lika na, gagamutin ko na yang sugat mo” yes! bumigay sya sa acting ko

hinawakan nya yung kamay ko, sana ganito na lang palagi..
sumama ako sa kanya, hindi nya ako dinala sa clinic.. siguro naisip nya na masesermunan lang ako dun

nakaupo kami sa harap ng tindahan, hindi kalayuan sa campus

“aray!” angal ko
“umayos ka nga!” sagot nya saken. ganda nya talaga.. haaay
“nakaayos naman eh. aray!! Len!! may galit naman yang paglilinis mo ng sugat ko eh!” diniin nya kasi
“hindi ako galit, malikot ka lang talaga”
“aray!!!!!” diniinan nya na naman, nasasaktan na ako ha!
“ano ba gusto mo gawin?” angal ko

medyo naluha ako, sobrang hapdi kasi, laman ko yung nasasaktan eh
humagalpak sya ng tawa
tumingin ako sa kabila, napapahiya naman ako sa ginagawa nya

“sa suntok wala kang angal, pero sa alcohol halos umiyak ka.. ang weird mo!”
sabi nya saken tapos ngumiti sya.. lecheng ngiti yan.. nakakain love talaga! tsk, forbidden kasi eh

ako nga pala si Jasper Ramirez, 20years old. 4th year management student, classmates kami ni Len. at oo ibinilin sya saken ng pinsan ko na boy friend nya. sa mga ikinikilos ko, halata nyo naman na siguro na gusto ko sya diba? kaso hindi ko naman pwede taluhin ang pinsan ko.. naman! blood is thicker than water ika nga.. pero kung nauna lang talaga ako kay Len, malamang .. tsss, ano ba tong naiisip ko! nakaka guilty, tsaka bat nga ba sya ang ikinukwento ko sa inyo, diba dapat tungkol sa sarili ko? ehem, may kapatid ako, si Keith.. mmm, kambal kami, fraternal to be exact, magkalayong magkalayong ang ugali namin, pero pareho naming mahal si Len, si Keith in a way na friends sila, at kami naman ni Len in a way na mag best friends ouch.

yung sugat ko pala kanina, hindi yun galing sa huli kong nakaaway, galing yun sa gulo na napasok ng grupo namin.. alam kong magagalit na naman si Len pag nalaman nyang napaaway na naman ako kasama ng grupo, pero last year ko naman na to sa mga gulo eh. kasi gagraduate na ako.. maliban na lang kung mapaway uli sa labas, yung mga kabatch kong kasali sa kalaban naming frat.. tss, ang gulo ng buhay ko!

sigurado, eto ang dahilan bakit hindi ako magugustuhan ni Len, kasi magulo ang buhay na pinasok ko.. pero kung alam nya lang na .. o sige na! tatahimik na ako, ayoko na mag kwento ..


pagkatapos nyang linisin yung sugat ko, hinatid ko na sya sa parking lot ng mga motor. oo ganyan sya ka-astig, babaeng nag momotor.. hindi scooter ha? motor talaga.. ang sexy pa nya tignan pag nakasakay sya dun, grabe yung appeal nya! kaya andaming naglalaway sa kanya eh.. kahit naman kasi ako, nadadala nya sa appeal nya, swerte ng pinsan ko!

nag babye na sya saken, kiniss nya ako dun sa part na may sugat sa pisngi ko.. bad trip kang sugat ka! ikaw pa talaga yung kiniss nya, pero syempre natuwa naman ako.

pagkatapos mag party party ng mga internal organs ko, tinawagan ko na si Keith, gumagabi na kasi baka pagalitan ako nila mommy pag hindi ko pa sya nai-uwi. alam ko kasama nya yung kagrupo kong si Kristof, ewan ko ba kung sila na.. wala naman akong pake alam sa love life ng kapatid ko. wag lang syang papaiyakin ng kung sinong Poncio Pilato dahil mapapatay ko yun.


habang nag mumuni muni ako, nakita kong naglalakad palapit saken si Keith, at tama nga ang hula ko kasama nya si Kristof.

“sige pre, salamat sa paghatid sa kambal ko”
“wala yun, bukas uli ha?” tumango ako sa kanya

sumakay kami ni Keith sa kotse ko

“isinumbong mo na naman ako kay Len” umpisa ko
“ayaw mo?” tinignan nya ako
“galing nga ng timing mo eh”
“seryoso ka ba?” tanong nya, hindi nya ata mabasa expression ko.
di naman kasi ako expressive pag kaharap ang ibang tao, kay Len lang talaga ako ganito

“oo seryoso ako, tama timing mo, kasi kung hindi sya dumating, malamang nabugbug ko yung lalake kanina”
“pala away ka talaga, buti pala andyan si Len. pero diba --” pinutol ko yung sasabihin nya
“oo alam ko gf sya ni Don”
tumahimik si Keith tapos tumingin sya sa labas

hala, sya pa apektado ah?
nararamdaman nya kaya kung ano nararamdaman ko? posible naman diba? kambal kami eh.

napansin ko yung pag harap uli saken ni Keith
mukhang may sasabihin na naman sya ah

“kuya!”
naku, kuya itinawag nya .. naglalambing na naman sya, ano na naman Keith.. =_=

“san tayo pupunta?” tanong ko na agad sa kanya

O_O nanlaki mata nya
bakit? hindi pa ba sya sanay sa sarili nya? haha

saglit lang nakabawi na uli sya
“sama tayo kila Len ngayon”
*ting ting ting!!* narinig ko yung pangalan ni Len

“saan?” napatingin ako sa kanya sandali tapos ibinalik ko uli yung tingin ko sa daan
“bar hoping” sagot nya

tsk! si Len talaga, kung ako bad boy ang image, sya naman party girl.
pero pag Friday lang yun, kasi focused sya sa pag aaral, malapit na kasi syang pasahan ng position sa company nila. teka, Friday ba ngayon??!

bigla akong napa preno, bar hoping? o_O

“OA mo!” sigaw ni Keith nung muntik sya masubsob
bakit nga ba ako prumeno?

nakarating kami sa bahay nang nakasimangot si Keith
sorry na.. kasi naman! seloso ako, kahit walang karapatan @_@

“kung ayaw mong sumama, hindi kita pinipilit! bad trip ka kuya!” bumaba si Keith tapos binagsak yung pinto ng kotse ko, loko talaga tong kapatid ko! asar

nagmamadaling pumasok si Keith sa bahay, nakasunod lang ako

“mommy! daddy! good evening po” bati nya sa magulang namin
“hi ma, pa” bati ko din tapos umupo sa sofa.
tinignan ko si Keith, ang sama ng tingin ni ate saken. yari na naman ata ako

“mommy, pwede po ba akong lumabas with my friends ngayon?” bungad ni Keith
tumingin si mommy saken tapos ibinalik yung tingin nya sa papers na hawak nya
“kasama mo ba si Jay?” tanong ni mommy
“aahh..” tinignan ako ni ate

“sasama ka ba?” tinanong nya ako na may nag mamakaawang mga mata
tsss, ano pa nga ba magagawa ko? tsaka gusto ko din naman makita si Len.. hehe

tumango ako sa kanya, tapos ngumiti sya
“he said yes mama!” tuwang sagot ni ate kay mommy
“okay” sagot ni mommy

“dad?” tinanong naman nya daddy namin
“sure, just..” tumigin saken si daddy
“you know what to do Jay” sabi nya
“yes dad” sagot ko
malamang ibig sabihin nya bantayan ko kapatid ko, alam ko naman responsibilidad ko kay ate eh

nagtataka na ba kayo kung sino sa amin ang unang lumabas ni Keith?
sya talaga ang nauna, sya ang ate.. kaya nya lang ako tinatawag ng kuya dahil may gusto syang hinging pabor, o kaya minsan naglalambing lang talaga.

“yehey! alis po kami ng 10” natuwa na naman sya, syempre makaka gimmick kami ngayon eh

Saturday, March 26, 2011

Chapter One

eto na naman ako, nakatambay dito sa garden ng school.. madalas ko nang gawin to these past few days, siguro kasi gusto kong balikan yung mga memory? or wala lang, nilalasap ko lang yung natitirang college days ko..

wala namang masyadong interesting na nangyari sa buhay ko nitong apat na taon.. mmm, nagka BF ako nung 2nd year, pero lumipad kasi sya sa ibang bansa eh..

ahh, oo nga pala. nagka best friend ako ng lalake.. si Jasper, pero mas kilala sya sa tawag na Jay. makulit, mabait, pasaway, gwapo at --

“LEN!!! LEN LEN!!!” narinig kong sigaw ng isang babae
natapos ang pagmumuni muni ko nang marinig ko yung sigaw nya, kinabahan ako..
ano na naman ba to??

nakita ko si Keith, palingon lingon.. bakit kaya nya ako hinahanap?

“Keith!” tawag ko
“bakit? ano nangyayari?” tanong ko sa kanya

“Len! yung BF mo!!” hinihingal na sabi nya
BF ko? naku lagot..

“bakit? anong nangyari kay Jay?”
“kasi Len..” umpisa nyang hinihingal.. kinakabahan na ako kaya hindi ko na mapigilan magtanong
“ano Keith? magsalita ka na!”
“nakipag away na naman eh!”
“ha?! kung hindi ba naman ipinanganak na g@go yung lalakeng yun eh! tsk! asan sya?”
“nasa parking, talaga yung si Jay! lagi na lang tayo pinapakaba. nakakainis!”

tumakbo na kami, kawaka naman tong si Keith kanina pa tumatakbo.. e pero, pwede naman nya akong tawagan, bat kaya sinundo pa nya ako? nag panic na naman siguro sya..

hinihingal na ako ha!
asan na ba yung si Jay?

“Len! ayun oh!” sabay turo sa liblib na parte ng parking si Keith
Jay.. ano na naman tong pinasok mo?

“Jay!!!” sigaw ko, napalingon sya sandali tapos sinuntok yung lalakeng hawak nya sa kwelyo..
Jay talaga! lagi ka na lang ganyan. tsk

lumapit ako, sakto namang tumakbo yung lalakeng kaaway ni Jay kanina

“hoy Ramirez, anong kalokohan na naman tong pinasok mo?”
“wag kang mangealam del Rio”
“bat hindi ako mangengealam?!”
“sino ka ba sa buhay ko?!” natigilan ako sa sinabi nya, para akong pinitik sa dibdib
“sorry ha? nakalimutan ko eh, best friend mo nga lang pala ako”

pagkasabi ko nun umalis na ako..
ako na nga tong nag aalala sa kanya, tapos sya pa magagalit saken? wag ko daw sya pakialaman, edi sige! sabi ko nga, best friend lang naman ako eh.. bahala sya! nakakainis!

habang naglalakad, nagulat ako nung biglang may humawak sa braso ko tapos niyakap ako mula sa likod

“sorry na Len, kasi naman bigla mo akong sinigawan.. kagagaling ko nga lang sa away tapos sinungitan mo ako agad, para naman sayo yung ginawa ko eh.. sorry na”

niyakap ako ni Jay, oo ganito kami ka close.. na halos parang mag bf/gf kami tignan.. pero hindi, best friends lang talaga kami, dahil pinsan nya ang tunay kong boy friend.. Si Lyndon, binilin ako sa kanya ni Lyndon nung umalis sya papuntang US, ewan ko ba kung bakit kay Jay pa.. nakakafall kaya tong lalakeng to.

may sinasabi ako tungkol sa kanya kanina diba? yung dinedescribe ko sya? itutuloy ko mamaya para mas makilala nyo sya..

binitawan nya ako, tapos pinaharap nya ako sa kanya, naiinis ako.. bakit nya kailangan sabihin yun.. ako na nga nag aalala tapos.. teka, sabi ba nya dahil sa aken kaya sya napaaway??

“ako?! dahil saken? bat lagi na lang ako ang dahilan? ayos ka ah?”
“seryoso ako Len, maniwala ka”
“bakit? sabihin mo nga kung bakit ako yung dahilan mo kung bat ka nakipag away?”
“e kasi..”
“ano?”
“bad trip! basta.. hindi mo na kailangan malaman, basta ikaw ang dahilan kung bakit!”
“bakit nga ako! sabihin mo!” napipikon na ako sa kanya, laging ako ang dahilan nya pero hindi nya masabi saken kung bakit ako, ano ba kasi yun? tungkol saken? naguguluhan ako!

“kasi..”
“kasi ano?” kinalma ko na sarili ko, kawawa na naman kasi itchura nya, may sugat pa sya. tsk!

bumuntong hininga sya, alam ko napipikon na din sya. malambing na nga tong mokong na to.. haay..

“o sorry na, ako na dahilan.. lika na, gagamutin ko na yang sugat mo”

hinawakan ko yung kamay nya, para talagang kami diba? pero walang malisya yan
sumama sya saken, hindi ko na sya dinala sa clinic.. siguradong magtatagal kami dun dahil sesermonan pa sya. dumiretso na kami sa tindahan, dun na ako bumili ng alcohol at bulak..

nakaupo kami sa harap ng tindahan, hindi kalayuan sa campus

“aray!” angal nya
“umayos ka nga!”
“nakaayos naman eh. aray!! Len!! may galit naman yang paglilinis mo ng sugat ko eh!”
“hindi ako galit, malikot ka lang talaga”
“aray!!!!!” idiniin ko kasi yung bulak
“ano ba gusto mo gawin?” angal nya

naluluha na sya!
napahagalpak ako sa tawa
sumimangot sya tapos tumingin sa kabila
ngumiti ako, nahihiya na sya

“sa suntok wala kang angal, pero sa alcohol halos umiyak ka.. ang weird mo!”
sabi ko tapos ngumiti, itinuloy ko na yung pag lilinis ng sugat nya ..

nga pala, nakalimutan kong magpakilala.. ako si Charlynn Maeka Sandoval - del Rio, 19years old. graduating na ako sa course na management. alam nyo naman na siguro kung bakit yun ang course ko.. kasi anak ako nila Matthew del Rio at Cheska Lynn Sandoval - del Rio, kami ang may-ari ng del Rio group of companies, obviously ako ang susunod sa yapak ni papa. oo may kapatid ako, si Clynt, pero bata pa kasi sya, kaya hindi pa makakahawak ng position. tulad ng sabi ko kanina may BF ako, si Lyndon at ibinilin nya ako sa pinsan nyang si Jay.

si Jay naman naging best friend ko, nagulat ba kayo kung bat sya nakikipag away? ako din eh, lalo at ako yung dahilan.. pero minsan pag napapaaway sya, dahil lang yun sa frat nya.. oo member sya ng fraternity, kanang kamay sya ng leader.. haay, wala sa itsura nya dahil gwapo sya, anak mayaman at foreigner ang features, sa totoo lang hindi naman talaga sya pinoy, half lang.. pero dito sya lumaki kaya straight ang tagalog nya.


Jay’s POV

tsk, napaaway na naman ako, walanghiya kasi yung mga yun eh, akala nila kilala nila si Len!

“hoy Ramirez! asan yung malandi mong kaibigan?”
“sinong malandi?!”
“sino pa? edi si del Rio!” sagot nung lalake sabay tawa nung mga kasama nya
hindi ko kilala kung sino sya, sa mukha ko lang sya kilala
sya yung binasted ni Len nung nakaraang bwan

“g@go ka ba?! bat mo tinawag na malandi yung kaibigan ko, ha?!”
“bakit? hindi ba? siguro tinamaan ka sa kanya kaya kung maipagtangol mo sya e ganyan na lang noh?”
“sira ulo ka ba? GF sya ng pinsan ko!” hayop tong panget na to, binabadtrip ako ah!
“tss, kaya pala eh. e bat ka pa nya nilalandi?”

napikon na ako, wag nyang masabihan si Len ng ganun!
tinuro ko mga kasama nya
“wag kayong mangengealam ha? kung hindi..”
“aba ang yabang mo ah? kung hindi ano?!” hinahamon ako ng epal na to

sumenyas ako
saka naglabasan mga kasama ko
nagulat sila, akala siguro nila wala akong kasama
sa totoo lang kanina pa nakaabang ang mga kagrupo ko
kanina pa nangangati yang mga yan

pinasugod ko sila, nagtakbuhan yung mga kalaban
bago pa makaalis yung nambabastos kay Len, nahawakan ko na sya sa kwelyo

“Jay!!!” narinig kong sigaw, boses ni Len yun ah?
nakabantay na naman siguro saken si Keith
kapatid ko si Keith, kaibigan naman sya ni Len

nilingon ko sya sandali, tapos sinuntok ko na yung walanghiyang bumastos sa kanya
kita mo ang loko at kung makatakbo e parang may marathon. tss. duwag!

“hoy Ramirez, anong kalokohan na naman tong pinasok mo?” bungad nya saken
“wag kang mangealam del Rio” nainis ako, Ramirez din kasi yung itinawag saken nung lalake kanina
“bat hindi ako mangengealam?!” sagot nya
“sino ka ba sa buhay ko?!” nadulas ako, natahimik sya bigla
“sorry ha? nakalimutan ko eh, best friend mo nga lang pala ako” pikon yung pagkakasagot nya, yari ako, galit na sya saken

pagkasabi nya nun umalis na sya, bad trip na naman sya saken, bakit ba kasi kailangan pang bumukas ng makasalanan kong bibig. asar naman oh