nag sorry ako sa kanya
“sorry na Len, kasi naman bigla mo akong sinigawan.. kagagaling ko nga lang sa away tapos sinungitan mo ako agad, para naman sayo yung ginawa ko eh.. sorry na” nakayakap ako sa kanya habang sinasabi yan
tapos bumitaw na ako, awkward na kasi, baka mailang pa sya saken
ihinarap ko sya saken
“ako?! dahil saken? bat lagi na lang ako ang dahilan? ayos ka ah?”
“seryoso ako Len, maniwala ka” pinaseryoso ko yung mukha ko para maniwala sya
“bakit? sabihin mo nga kung bakit ako yung dahilan mo kung bat ka nakipag away?” kaso eto na naman yung tanong nyang ni minsan e hindi ko nasagot..
“e kasi..”
“ano?” ayan pa! isang word lang pero ang hirap sagutin.. tss
“bad trip! basta.. hindi mo na kailangan malaman, basta ikaw ang dahilan kung bakit!” nagpapalusot na ako
“bakit nga ako! sabihin mo!” maawa ka naman saken Len, nahihirapan ako magpalusot eh
“kasi..” umiisip ako ng maisasagot sa kanya
“kasi ano?” anu na gagawin ko? pero uy himala, kumalma na sya, napansin nya siguro na kinakabahan ako
bumuntong hininga ako, alam nya napipikon na ako, pero syempre cover ko lang yun..
“o sorry na, ako na dahilan.. lika na, gagamutin ko na yang sugat mo” yes! bumigay sya sa acting ko
hinawakan nya yung kamay ko, sana ganito na lang palagi..
sumama ako sa kanya, hindi nya ako dinala sa clinic.. siguro naisip nya na masesermunan lang ako dun
nakaupo kami sa harap ng tindahan, hindi kalayuan sa campus
“aray!” angal ko
“umayos ka nga!” sagot nya saken. ganda nya talaga.. haaay
“nakaayos naman eh. aray!! Len!! may galit naman yang paglilinis mo ng sugat ko eh!” diniin nya kasi
“hindi ako galit, malikot ka lang talaga”
“aray!!!!!” diniinan nya na naman, nasasaktan na ako ha!
“ano ba gusto mo gawin?” angal ko
medyo naluha ako, sobrang hapdi kasi, laman ko yung nasasaktan eh
humagalpak sya ng tawa
tumingin ako sa kabila, napapahiya naman ako sa ginagawa nya
“sa suntok wala kang angal, pero sa alcohol halos umiyak ka.. ang weird mo!”
sabi nya saken tapos ngumiti sya.. lecheng ngiti yan.. nakakain love talaga! tsk, forbidden kasi eh
ako nga pala si Jasper Ramirez, 20years old. 4th year management student, classmates kami ni Len. at oo ibinilin sya saken ng pinsan ko na boy friend nya. sa mga ikinikilos ko, halata nyo naman na siguro na gusto ko sya diba? kaso hindi ko naman pwede taluhin ang pinsan ko.. naman! blood is thicker than water ika nga.. pero kung nauna lang talaga ako kay Len, malamang .. tsss, ano ba tong naiisip ko! nakaka guilty, tsaka bat nga ba sya ang ikinukwento ko sa inyo, diba dapat tungkol sa sarili ko? ehem, may kapatid ako, si Keith.. mmm, kambal kami, fraternal to be exact, magkalayong magkalayong ang ugali namin, pero pareho naming mahal si Len, si Keith in a way na friends sila, at kami naman ni Len in a way na mag best friends ouch.
yung sugat ko pala kanina, hindi yun galing sa huli kong nakaaway, galing yun sa gulo na napasok ng grupo namin.. alam kong magagalit na naman si Len pag nalaman nyang napaaway na naman ako kasama ng grupo, pero last year ko naman na to sa mga gulo eh. kasi gagraduate na ako.. maliban na lang kung mapaway uli sa labas, yung mga kabatch kong kasali sa kalaban naming frat.. tss, ang gulo ng buhay ko!
sigurado, eto ang dahilan bakit hindi ako magugustuhan ni Len, kasi magulo ang buhay na pinasok ko.. pero kung alam nya lang na .. o sige na! tatahimik na ako, ayoko na mag kwento ..
pagkatapos nyang linisin yung sugat ko, hinatid ko na sya sa parking lot ng mga motor. oo ganyan sya ka-astig, babaeng nag momotor.. hindi scooter ha? motor talaga.. ang sexy pa nya tignan pag nakasakay sya dun, grabe yung appeal nya! kaya andaming naglalaway sa kanya eh.. kahit naman kasi ako, nadadala nya sa appeal nya, swerte ng pinsan ko!
nag babye na sya saken, kiniss nya ako dun sa part na may sugat sa pisngi ko.. bad trip kang sugat ka! ikaw pa talaga yung kiniss nya, pero syempre natuwa naman ako.
pagkatapos mag party party ng mga internal organs ko, tinawagan ko na si Keith, gumagabi na kasi baka pagalitan ako nila mommy pag hindi ko pa sya nai-uwi. alam ko kasama nya yung kagrupo kong si Kristof, ewan ko ba kung sila na.. wala naman akong pake alam sa love life ng kapatid ko. wag lang syang papaiyakin ng kung sinong Poncio Pilato dahil mapapatay ko yun.
habang nag mumuni muni ako, nakita kong naglalakad palapit saken si Keith, at tama nga ang hula ko kasama nya si Kristof.
“sige pre, salamat sa paghatid sa kambal ko”
“wala yun, bukas uli ha?” tumango ako sa kanya
sumakay kami ni Keith sa kotse ko
“isinumbong mo na naman ako kay Len” umpisa ko
“ayaw mo?” tinignan nya ako
“galing nga ng timing mo eh”
“seryoso ka ba?” tanong nya, hindi nya ata mabasa expression ko.
di naman kasi ako expressive pag kaharap ang ibang tao, kay Len lang talaga ako ganito
“oo seryoso ako, tama timing mo, kasi kung hindi sya dumating, malamang nabugbug ko yung lalake kanina”
“pala away ka talaga, buti pala andyan si Len. pero diba --” pinutol ko yung sasabihin nya
“oo alam ko gf sya ni Don”
tumahimik si Keith tapos tumingin sya sa labas
hala, sya pa apektado ah?
nararamdaman nya kaya kung ano nararamdaman ko? posible naman diba? kambal kami eh.
napansin ko yung pag harap uli saken ni Keith
mukhang may sasabihin na naman sya ah
“kuya!”
naku, kuya itinawag nya .. naglalambing na naman sya, ano na naman Keith.. =_=
“san tayo pupunta?” tanong ko na agad sa kanya
O_O nanlaki mata nya
bakit? hindi pa ba sya sanay sa sarili nya? haha
saglit lang nakabawi na uli sya
“sama tayo kila Len ngayon”
*ting ting ting!!* narinig ko yung pangalan ni Len
“saan?” napatingin ako sa kanya sandali tapos ibinalik ko uli yung tingin ko sa daan
“bar hoping” sagot nya
tsk! si Len talaga, kung ako bad boy ang image, sya naman party girl.
pero pag Friday lang yun, kasi focused sya sa pag aaral, malapit na kasi syang pasahan ng position sa company nila. teka, Friday ba ngayon??!
bigla akong napa preno, bar hoping? o_O
“OA mo!” sigaw ni Keith nung muntik sya masubsob
bakit nga ba ako prumeno?
nakarating kami sa bahay nang nakasimangot si Keith
sorry na.. kasi naman! seloso ako, kahit walang karapatan @_@
“kung ayaw mong sumama, hindi kita pinipilit! bad trip ka kuya!” bumaba si Keith tapos binagsak yung pinto ng kotse ko, loko talaga tong kapatid ko! asar
nagmamadaling pumasok si Keith sa bahay, nakasunod lang ako
“mommy! daddy! good evening po” bati nya sa magulang namin
“hi ma, pa” bati ko din tapos umupo sa sofa.
tinignan ko si Keith, ang sama ng tingin ni ate saken. yari na naman ata ako
“mommy, pwede po ba akong lumabas with my friends ngayon?” bungad ni Keith
tumingin si mommy saken tapos ibinalik yung tingin nya sa papers na hawak nya
“kasama mo ba si Jay?” tanong ni mommy
“aahh..” tinignan ako ni ate
“sasama ka ba?” tinanong nya ako na may nag mamakaawang mga mata
tsss, ano pa nga ba magagawa ko? tsaka gusto ko din naman makita si Len.. hehe
tumango ako sa kanya, tapos ngumiti sya
“he said yes mama!” tuwang sagot ni ate kay mommy
“okay” sagot ni mommy
“dad?” tinanong naman nya daddy namin
“sure, just..” tumigin saken si daddy
“you know what to do Jay” sabi nya
“yes dad” sagot ko
malamang ibig sabihin nya bantayan ko kapatid ko, alam ko naman responsibilidad ko kay ate eh
nagtataka na ba kayo kung sino sa amin ang unang lumabas ni Keith?
sya talaga ang nauna, sya ang ate.. kaya nya lang ako tinatawag ng kuya dahil may gusto syang hinging pabor, o kaya minsan naglalambing lang talaga.
“yehey! alis po kami ng 10” natuwa na naman sya, syempre makaka gimmick kami ngayon eh
naloka ako sa subsuban factor.hahaha. na imagine ko yun.
ReplyDeletenatawa ko sa party party ng internal organs.
ReplyDelete-ate lulu-