Saturday, March 26, 2011

Chapter One

eto na naman ako, nakatambay dito sa garden ng school.. madalas ko nang gawin to these past few days, siguro kasi gusto kong balikan yung mga memory? or wala lang, nilalasap ko lang yung natitirang college days ko..

wala namang masyadong interesting na nangyari sa buhay ko nitong apat na taon.. mmm, nagka BF ako nung 2nd year, pero lumipad kasi sya sa ibang bansa eh..

ahh, oo nga pala. nagka best friend ako ng lalake.. si Jasper, pero mas kilala sya sa tawag na Jay. makulit, mabait, pasaway, gwapo at --

“LEN!!! LEN LEN!!!” narinig kong sigaw ng isang babae
natapos ang pagmumuni muni ko nang marinig ko yung sigaw nya, kinabahan ako..
ano na naman ba to??

nakita ko si Keith, palingon lingon.. bakit kaya nya ako hinahanap?

“Keith!” tawag ko
“bakit? ano nangyayari?” tanong ko sa kanya

“Len! yung BF mo!!” hinihingal na sabi nya
BF ko? naku lagot..

“bakit? anong nangyari kay Jay?”
“kasi Len..” umpisa nyang hinihingal.. kinakabahan na ako kaya hindi ko na mapigilan magtanong
“ano Keith? magsalita ka na!”
“nakipag away na naman eh!”
“ha?! kung hindi ba naman ipinanganak na g@go yung lalakeng yun eh! tsk! asan sya?”
“nasa parking, talaga yung si Jay! lagi na lang tayo pinapakaba. nakakainis!”

tumakbo na kami, kawaka naman tong si Keith kanina pa tumatakbo.. e pero, pwede naman nya akong tawagan, bat kaya sinundo pa nya ako? nag panic na naman siguro sya..

hinihingal na ako ha!
asan na ba yung si Jay?

“Len! ayun oh!” sabay turo sa liblib na parte ng parking si Keith
Jay.. ano na naman tong pinasok mo?

“Jay!!!” sigaw ko, napalingon sya sandali tapos sinuntok yung lalakeng hawak nya sa kwelyo..
Jay talaga! lagi ka na lang ganyan. tsk

lumapit ako, sakto namang tumakbo yung lalakeng kaaway ni Jay kanina

“hoy Ramirez, anong kalokohan na naman tong pinasok mo?”
“wag kang mangealam del Rio”
“bat hindi ako mangengealam?!”
“sino ka ba sa buhay ko?!” natigilan ako sa sinabi nya, para akong pinitik sa dibdib
“sorry ha? nakalimutan ko eh, best friend mo nga lang pala ako”

pagkasabi ko nun umalis na ako..
ako na nga tong nag aalala sa kanya, tapos sya pa magagalit saken? wag ko daw sya pakialaman, edi sige! sabi ko nga, best friend lang naman ako eh.. bahala sya! nakakainis!

habang naglalakad, nagulat ako nung biglang may humawak sa braso ko tapos niyakap ako mula sa likod

“sorry na Len, kasi naman bigla mo akong sinigawan.. kagagaling ko nga lang sa away tapos sinungitan mo ako agad, para naman sayo yung ginawa ko eh.. sorry na”

niyakap ako ni Jay, oo ganito kami ka close.. na halos parang mag bf/gf kami tignan.. pero hindi, best friends lang talaga kami, dahil pinsan nya ang tunay kong boy friend.. Si Lyndon, binilin ako sa kanya ni Lyndon nung umalis sya papuntang US, ewan ko ba kung bakit kay Jay pa.. nakakafall kaya tong lalakeng to.

may sinasabi ako tungkol sa kanya kanina diba? yung dinedescribe ko sya? itutuloy ko mamaya para mas makilala nyo sya..

binitawan nya ako, tapos pinaharap nya ako sa kanya, naiinis ako.. bakit nya kailangan sabihin yun.. ako na nga nag aalala tapos.. teka, sabi ba nya dahil sa aken kaya sya napaaway??

“ako?! dahil saken? bat lagi na lang ako ang dahilan? ayos ka ah?”
“seryoso ako Len, maniwala ka”
“bakit? sabihin mo nga kung bakit ako yung dahilan mo kung bat ka nakipag away?”
“e kasi..”
“ano?”
“bad trip! basta.. hindi mo na kailangan malaman, basta ikaw ang dahilan kung bakit!”
“bakit nga ako! sabihin mo!” napipikon na ako sa kanya, laging ako ang dahilan nya pero hindi nya masabi saken kung bakit ako, ano ba kasi yun? tungkol saken? naguguluhan ako!

“kasi..”
“kasi ano?” kinalma ko na sarili ko, kawawa na naman kasi itchura nya, may sugat pa sya. tsk!

bumuntong hininga sya, alam ko napipikon na din sya. malambing na nga tong mokong na to.. haay..

“o sorry na, ako na dahilan.. lika na, gagamutin ko na yang sugat mo”

hinawakan ko yung kamay nya, para talagang kami diba? pero walang malisya yan
sumama sya saken, hindi ko na sya dinala sa clinic.. siguradong magtatagal kami dun dahil sesermonan pa sya. dumiretso na kami sa tindahan, dun na ako bumili ng alcohol at bulak..

nakaupo kami sa harap ng tindahan, hindi kalayuan sa campus

“aray!” angal nya
“umayos ka nga!”
“nakaayos naman eh. aray!! Len!! may galit naman yang paglilinis mo ng sugat ko eh!”
“hindi ako galit, malikot ka lang talaga”
“aray!!!!!” idiniin ko kasi yung bulak
“ano ba gusto mo gawin?” angal nya

naluluha na sya!
napahagalpak ako sa tawa
sumimangot sya tapos tumingin sa kabila
ngumiti ako, nahihiya na sya

“sa suntok wala kang angal, pero sa alcohol halos umiyak ka.. ang weird mo!”
sabi ko tapos ngumiti, itinuloy ko na yung pag lilinis ng sugat nya ..

nga pala, nakalimutan kong magpakilala.. ako si Charlynn Maeka Sandoval - del Rio, 19years old. graduating na ako sa course na management. alam nyo naman na siguro kung bakit yun ang course ko.. kasi anak ako nila Matthew del Rio at Cheska Lynn Sandoval - del Rio, kami ang may-ari ng del Rio group of companies, obviously ako ang susunod sa yapak ni papa. oo may kapatid ako, si Clynt, pero bata pa kasi sya, kaya hindi pa makakahawak ng position. tulad ng sabi ko kanina may BF ako, si Lyndon at ibinilin nya ako sa pinsan nyang si Jay.

si Jay naman naging best friend ko, nagulat ba kayo kung bat sya nakikipag away? ako din eh, lalo at ako yung dahilan.. pero minsan pag napapaaway sya, dahil lang yun sa frat nya.. oo member sya ng fraternity, kanang kamay sya ng leader.. haay, wala sa itsura nya dahil gwapo sya, anak mayaman at foreigner ang features, sa totoo lang hindi naman talaga sya pinoy, half lang.. pero dito sya lumaki kaya straight ang tagalog nya.


Jay’s POV

tsk, napaaway na naman ako, walanghiya kasi yung mga yun eh, akala nila kilala nila si Len!

“hoy Ramirez! asan yung malandi mong kaibigan?”
“sinong malandi?!”
“sino pa? edi si del Rio!” sagot nung lalake sabay tawa nung mga kasama nya
hindi ko kilala kung sino sya, sa mukha ko lang sya kilala
sya yung binasted ni Len nung nakaraang bwan

“g@go ka ba?! bat mo tinawag na malandi yung kaibigan ko, ha?!”
“bakit? hindi ba? siguro tinamaan ka sa kanya kaya kung maipagtangol mo sya e ganyan na lang noh?”
“sira ulo ka ba? GF sya ng pinsan ko!” hayop tong panget na to, binabadtrip ako ah!
“tss, kaya pala eh. e bat ka pa nya nilalandi?”

napikon na ako, wag nyang masabihan si Len ng ganun!
tinuro ko mga kasama nya
“wag kayong mangengealam ha? kung hindi..”
“aba ang yabang mo ah? kung hindi ano?!” hinahamon ako ng epal na to

sumenyas ako
saka naglabasan mga kasama ko
nagulat sila, akala siguro nila wala akong kasama
sa totoo lang kanina pa nakaabang ang mga kagrupo ko
kanina pa nangangati yang mga yan

pinasugod ko sila, nagtakbuhan yung mga kalaban
bago pa makaalis yung nambabastos kay Len, nahawakan ko na sya sa kwelyo

“Jay!!!” narinig kong sigaw, boses ni Len yun ah?
nakabantay na naman siguro saken si Keith
kapatid ko si Keith, kaibigan naman sya ni Len

nilingon ko sya sandali, tapos sinuntok ko na yung walanghiyang bumastos sa kanya
kita mo ang loko at kung makatakbo e parang may marathon. tss. duwag!

“hoy Ramirez, anong kalokohan na naman tong pinasok mo?” bungad nya saken
“wag kang mangealam del Rio” nainis ako, Ramirez din kasi yung itinawag saken nung lalake kanina
“bat hindi ako mangengealam?!” sagot nya
“sino ka ba sa buhay ko?!” nadulas ako, natahimik sya bigla
“sorry ha? nakalimutan ko eh, best friend mo nga lang pala ako” pikon yung pagkakasagot nya, yari ako, galit na sya saken

pagkasabi nya nun umalis na sya, bad trip na naman sya saken, bakit ba kasi kailangan pang bumukas ng makasalanan kong bibig. asar naman oh

4 comments:

  1. Dito medyo nagpaparamadam na si Jay kay Len at vice versa :)

    ReplyDelete
  2. na.miss ko na pala magbasa talga .. pero nkakakilig pa din at mae :)

    ReplyDelete
  3. hmmmmmm... about to sa best friends... hmmmmm

    -ate lulu

    ReplyDelete