“wag kang mayabang Ramirez, hindi porket pinipilahan ka ng mga babae e ganyan ka na kung makapagyabang at tawagin akong panget!”
takte .. set up ba to? asan mga kagrupo ko?
ginag* ba ako ni Kristof?!
teka teka, sabi ba ni Panget pinipilahan ako?
oo totoo yun, pero sorry
isa lang laman ng puso ko eh, kilala nyo na kung sino yun
napatingin ako sa paligid namin
asan kaya yung mga mokong? tsss
“wag kang mag-alala, kinausap ko na sila”
“anong ibig mong sabihin?”
“walang gugulo sa laban nating dalawa”
“1v1 pala gusto mo?”
kawawa ka naman Panget, wala ka na ngang maipagmamalaking mukha, masisira pa
natatandaan nyo ba yung sinapak ko kahapon?
sya uli to, walang sawa eh..
ewan ko ba, type na ata ako neto
nabakla ata saken eh ..
“wow, hindi ka naman pala slowww eh..”
“tado! hindi porke‘t gwapo ako, wala akong utak, wag mo akong itulad sayo”
“yabang mo talagang hambog ka!”
“tss, hambog na nga mayabang pa.. napaghahalataan ka eh, magkaibang term iisa meaning tss”
tinawanan ko sya, napikon ata kaya biglang sumugod
panget talaga nya, sarap basagin ng mukha eh
syempre nakaiwas ako sa suntok nya, walang wala kaya sa hulog
O_O pero ano to?!
bakit..
nahihilo ako? umiikot paligid ko! @_@
“hoy gag*!!” narinig ko yung boses ni Kristof
langhiya, anong nangyari?
“mandurugas kayo!!” tapos nakita kong nagtakbuhan sa gitna mga kagrupo ko, sakto naman akong lumagapak sa simento
back stabbing son of a *****! may humataw pala sa likod ko
sumakit ulo ko, nakakahilo talaga
naka higa lang muna ako habang nakikita kong nagkakagulo na
hinanap ko yung walanghiyang mandurugas na panget na yun
nung nakita kong nakangiti sya agad akong tumayo
hinablot ko agad yung damit nya tapos sinapak ko sya
“nice trick, pero eto lang. what goes around comes around” tapos sinuntok ko sya sa kabilang pisngi
tumba sya agad, dumugo din yung bibig nya
walang kwenta! walang binatbat, tsss.. mandurugas lang
lumayo ako sa war ground, pinapanuod ko na lang yung mga kagrupo ko na nakikipag laban
wala, walang kwenta din mga kalaban nila, para nga lang silang naglalaro eh
lumapit saken si Kristof
“ui master, pasensya na kung pumayag kami sa 1v1 ha? di naman namin alam na may sa-tarantado yung kalaban mo eh”
nag smirk ako
“ayos lang yun, nailabas ko naman yung bad trip ko eh, kita mo sarap ng tulog ni mokong”
tinignan ako ni Tof
“bakit Jay? anong problema mo” tanong nya saken tapos nag sindi sya ng yosi
“andyan na si Lyndon eh”
“yung pinsan mo?” tapos ibinuga nya yung usok
“oo, yung boypren ni Len”
“boypren ni Len?!”
“oo, hindi mo ba alam na boypren nya pinsan namin?”
“ha? hindi eh.. akala ko nililigawan mo sya”
“sira! hindi noh, binabantayan ko lang sya ibinilin kasi eh”
“wow master, baby sitter ka na pala ngayon?” narinig kong sabi ni Patrick
“ha? si master? baby sitter? astig!” singit naman ni Charles
takte, tapos na pala makipaglaro tong mga mokong na to
“mga epal kayo! hindi nyo sinasabing tapos na pala kayo”
“kanina pa kaya kami tapos master, mukhang seyoso kasi pinaguusapan nyo ni Kristof eh” sagot ni Martin
“tss, tara na nga.. teka, bakit wala kayong mga pasa?” tanong ko
“sus! ni hindi nga sila makasuntok ng maayos eh, pano kami magkakapasa?”
nagtawanan mga kagrupo ko, ang yayabang ng mga mokong na to ah?
“tss” narinig ko si Kristof, sinilip nya yung war ground kanina
umiling lang sya, tinignan ko din
pssh, walang kwenta, tulog pala lahat eh kaya pala kung makapag tawanan mga kagrupo ko e ganun na lang
hinahanap nyo ba leader namin? wala eh, busy sa chickas nya! haha
“san na tayo Tope?” tanong ni Kristian
“san pa ba? edi bar” sagot nya
“bar aga aga pa”
“tangeks! nakita mo ba kung anong oras na?” tanong ni Tyron
“pasado alas sais na baliw!” singit naman ni Ino
nung nakalabas kami ng location, tsaka ko lang napansin na madilim na pala talaga
“master Jay, sasama ka ba samen?”
“ha?” tinignan ko yung cp ko
wala namang text, ibig sabihin walang naghahanap saken
“sige!”
“yown!”
“libre mo ba master?”
“dudumugin na naman tayo ng mga babae sa table mamaya!”
“partey partey!”
kita mo tong mga to, ang bababaw ng kaligayahan..
“bihis muna tayo mga mokong” sabi ko
napatingin silang lahat sa mga damit nila tapos nagtawanan
“talino talaga ni master Jay!”
“haha, oo nga.. bar agad naisip ko eh”
“babaw ng kaligayahan ng mga to, akala mo hindi sumabak sa laban kanina” bulong ni Tof habang ibinubuga yung usok galing sa bagong sindi nyang yosi
gulo ng buhay na pinasok ko noh?
puro ‘mura’, bisyo, away..
ewan ko kung bakit ko pinasok ang ganitong buhay..
siguro kasi hindi ko pa alam kung pano mag mahal nun?
siguro dahil ang nasa isip ko e walang silbi ang buhay ko?
pero nung nakilala ko sila
pakiramdam ko nagkasilbi ako
nagkaron ako ng pamilya maliban kay Keith
kung hinahanap nyo mga magulang namin
andyan lang naman sila, yun nga lang masyadong busy sa business
sana pag graduate ko hindi nila ako pilitin sa company namin
si Keith na lang, di na ako kailangan dun
nung unang nakilala ko si Len, wala naman talaga syang appeal saken nun eh
asar pa nga ako sa kanya nung una
para kasi syang nandidiri saken dahil sa frat ko, iniiwasan nya ako nun, ewan ko takot siguro?
hanggang sa makita ko syang umiiyak
naawa ako sa kanya, yun yung time na gusto nyang puntahan si Lyndon sa US kasi may sakit
kaso hindi pwede, kagagaling lang nya kasi dun last week, ayun hindi sya pinayagan nila tita Chen
nagulat ako nung bigla syang yumakap saken nun
ni hindi nga ako makagalaw nun eh, para akong tangang nakatayo lang at hinahayaan syang yumakap saken
nung narinig kong tinawag nya ako sa pangalan kong ‘Jasper’ dun ako napatingin sa kanya
grabe yung mga mata nya, para akong sinasakluban, dinaluyan pa ako ng kuryente sa katawan
yung mga mata nya ibang klase .. nakakaakit, nakaka .. in love ..
biglang umikot mundo ko nun, ewan ko, parang tanga lang na ewan eh..
basta! yun ang naramdaman ko, kahit korni aaminin ko na. tsk!
“huist master!” narinig kong tawag ni Patrick kaya napabalik huwisyo ako
“o baket?”
“chicks” bulong nya
“ha? saan?”
“ayun oh” tinignan nya lang, sinundan ko ng tingin..
okay lang, may taste pumorma yung babae
“type mo?” tanong ko kay Patrick
“opo master”
“sungaban mo!” tapos tumawa ako sabay inom ng beer
“ow yeah!” sabi ni Patrick tapos nilapitan na yung babae
bat sya nagpapa alam saken?
ewan ko sa kanya, ugali nya na yun eh
pati yung iba tuloy nag papaalam na din
pagbigyan, hindi naman kaso saken yun, nakakailang lang minsan kasi ako nagdidisisyon para sa buhay nila
“wag kang mayabang Ramirez, hindi porket pinipilahan ka ng mga babae e ganyan ka na kung makapagyabang at tawagin akong panget!”
ReplyDeletenatawa ako sa ainabi ng panget parang na iinsecure sya kasi baka hindi sya pinipilahan ng mga chicks.ahahaha
yung mga mata nya ibang klase .. nakakaakit, nakaka .. in love ..
biglang umikot mundo ko nun, ewan ko, parang tanga lang na ewan eh..
basta! yun ang naramdaman ko, kahit korni aaminin ko na. tsk!
alam kung korny xa pero ang sweet.
waaaa. the best tong chap nato kasi andito ang gustu kung eksena bitin nga lang pero waaaaa. sana may courage na soon si jay na sabihin keh len yung totoo.
feeling ko misteryoso si Jay?
ReplyDeletehmmmmmm