“those are Drunk People” sagot nya
tumahimik uli kaming dalawa
“but you know what?”
“what?”
“if you don‘t want to lose your closeness you have with a person, don‘t fall in love with them”
Len’s POV
pinaandar ko na yung motor ko
iniwan ko yung kambal sa harap ng bahay nila
pasado alas-tres na pero ayaw ko pading umuwi samin..
gusto ko muna mapag-isa
pumunta ako sa hills, meron nun sa looban ng subdivision namin
nagpapahangin lang ako
hintayin ko bang sumikat yung araw?
napaupo ako sa tabi ng motor ko
wag kayong mag-alala, hindi na ako naka dress, nag bihis ako nung nasa Starbucks pa kami ni Jay
oo nga pala, si Jay..
siguro tinatawanan nya ako sa nasabi ko sa kanya kanina
ang traydor naman kasi nung alak na nainom ko eh!
di ko naman alam na ganun ang magiging epekto saken nun
kung ano ano tuloy nasabi ko sa kanya, pero lahat naman yun totoo eh
sana talaga sa kanya na lang ako na in love
pero sabi nga nila “if you don‘t want to lose your closeness you have with a person, don‘t fall in love with them” kanina ko pa iniisip yang quote na yan, ayokong mawala si Jay saken
si Lyndon? nakukulangan na masyado ng oras saken..
andaming nagbago sa relation naming dalawa
kung ano ano tuloy pumapasok sa isip ko ngayon
may iba na kaya sya dun?
haaayy!! ang hirap ng long distance relationship
kung tutuusin naman talaga, kaya kong pumunta ng US kahit kelan ko gustuhin eh
pwedeng dun na din ako mag-aral
pero ayoko, hindi ko alam kung bakit, pero may hindi ako maiwan dito
kinuha ko yung wallet ko sa bag, pag bukas ko pa lang, picture na namin ni Jay ang nakita ko
sya ba ang dahilan? sya ba ang pumigil saken mag-aral sa US?
pero pinsan sya ng BF ko, at best friend ko sya, hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya.. hindi!
tama naman ako di ba? agh! naguguluhan na ako, tsk
tinignan ko relo ko
alas-kwatro na pala
pero parang hindi padin ako dinadalaw ng antok
umupo ako sa ilalim nung puno
tapos tumingala ako sa langit
may stars pa
isinandal ko yung ulo ko
ano nang gagawin ko?
“Len??”
“Len Len?”
may tumatawag saken?
idinilat ko yung isa kong mata..
nasinag ako sa sikat araw
“gising na sya Jay!” narinig kong sabi ng pamilyar na boses, tapos idinilat ko na yung dalawang mata ko
“Len!! anong nangyari sayo?!” agad lumapit saken si Jay
@_@ ano nga ba??
tapos tumingin ako sa kaliwa ko, andun si Keith
bakit andito tong dalawang to?
O_O “bakit ako nandito?!” nagulat ako nung mapansin kong nasa damuhan ako
“bakit nga ba?” tinanong ako ni Keith
“nabungo ka ba? ano?” nakahawak si Jay sa braso ko
“ha?? hindi” tapos inalala ko yung mga nangyari
“e ano nga nangyari sayo?”
“wala, naka tulog lang pala ako dito”
“baliw ka ba ha?! e kung may tarantadong dumaan dito at ni-rape ka?!” nagagalit na saken si Jay
napansin ko hindi pa sila nakabihis?
“ha? wala namang makakapasok dito, subdivision to eh” sagot ko
“kahit na Len! konting konsidirasyon naman! may taong nag-aalala sayo!” tapos lumakad sya palayo
naging careless na naman ako.. haayy, sorry na Jay..
tumingin ako kay Keith tapos nagsmile sya ng pilit, pati sya ata pinag alala ko..
pero pano nga ba nila ako nakita?
“bat nga pala kayo napadpad dito?” tinanong ko si Keith
“mmm, kasi hindi pa binubuksan yung bahay namin eh.. wala kaming susi pareho ni Jay, kaya eto, naglakad lakad muna kami dito sa subdivision nyo, nalibot na kasi namin yung samin, tas napansin namin na wala pa yung motor mo sa bahay nyo.. kaya eto, hinanap ka namin, at nakita ka nga namin dito”
kaya pala, napatingin ako kay Jay.. bad trip sya..
“thank you Keith ha? pasensya na din pala..”
“wala yun, sa susunod Len wag mo na kami tatakutin ng ganun ha? lalo na si Jay, alam mo naman yun eh”
tumango ako tapos tinignan ko si Jay sa tawid
naka upo sya sa gutter tapos nakayuko nakahawak yung dalawang kamay nya sa ulo nya =_=
“hindi pa ba kayo natutulog?” tinanong ko si Keith
“hindi pa eh, ikaw ba? anong oras ka natulog dito?” tapos medyo natawa sya
tinignan ko yung relo ko, alas-sais na pala?
“mga four ako nakatulog” sagot ko sa kanya
“naka dalawang oras ka din pala dito, buti na lang nakita ka namin bago iba ang nakakita sayo”
“sorry talaga ha?”
“okay na sakin yun, wag mo lang uulitin.. si Jay kausapin mo na, nag-alala talaga sya ng sobra”
nagu-guilty naman ako sa nagawa ko
lumapit ako sa kanya
kaso bad trip talaga sya
nung nasa harap na nya ako bigla syang tumayo
kinabahan ako, akala ko sasampalin nya ako o kung ano
pero nag umpisa na syang mag lakad
“Jay! san ka pupunta?!” narinig kong tanong ni Keith sa kanya
“uuwi na ako, mag kikita pa kami ni Dianne mamaya”
para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko
may hindi ba ako alam?
“Len, sorry ha? sasabayan ko na si Jay pauwi” tapos tinapik ako ni Keith
pinapanuod ko silang dalawa palayo
*beep beep*
dun lang ako natauhan, nung may bumusina galing sa likod ko
ipinaling ko yung ulo ko para medyo matauhan pa ako
pero hindi talaga mawala sa isip ko yung sinabi ni Jay
anong meron sa kanila ni Dai?
e teka, ano ba tong naiisip ko?
ipinaling ko uli yung ulo ko tapos sumakay na ako sa motor ko
kailangan ko nang umuwi
“nanay Tess?” tawag ko sa kasambahay namin
“nanay!!” tawag ko uli, tapos bumukas yung gate
“aysus Len! bakit ngayon ka lang bata ka?”
“sorry po nay, nag enjoy lang po masyado” napasinungaling ako ng wala sa oras..
“hay naku, pumasok ka na at malapit nang magising ang mama at papa mo”
pumasok ako sa loob tapos nahiga sa sofa
“partied too hard last night huh?”
dang! gising na si mama
“sorry po mama” sabi ko tapos umupo
“akyat na sa kwarto, wag mo nang hintayin ang papa mo” sabi ni mama
“ma, magluluto na lang po ako ng breakfast”
“huh?!” napatingin uli saken si mama, pati si nanay Tess
“anong himala ng langit ang nangyayari?”
“mama naman eh, hayaan nyo na lang po muna ako sa gusto kong gawin, ilalabas ko lang depression ko”
waaaaaaaaaaa!. waaaaaaaaaaaa!.
ReplyDeletenakaka relate ako. bat ka ganyan cam :'(
napa iyak ako wala sa oras. da best ka talaga!.
:-* ...
kawawa naman cla inluv cla sa isa't isa pero hindi pwede tsk
ReplyDeleteanu to. nakakarelate, hm mahirap talaga kapag may best friend kang boy! hindi pwedeng hindi ka mafall!! :))
ReplyDeleteang sakit sisss ! Parang naranasan ko ito :(
ReplyDeleteAng daming nakakarelate ah... napapasigh tuloy ako -.-
ReplyDelete