Tuesday, April 26, 2011

Chapter Twenty Three

“talaga ate?”
“o-oo…??”
“sana pareho ng nararamdaman ni CJ yung mga sinabi mo.. salamat ate ha?” tapos nginitian nya ako
“wala yun” tapos ngumiti din ako, pareho na kaming nanahimik

“ate, hindi ka ba nagseselos kay ate Yuri?” tanong nya saken bigla
“o_O ha bakit mo naman na--”

“Clynt?!” tawag ni mama
“po, mama?”
“tignan mo nga ate mo kung gising na, maghahapon na hindi pa sya gumigising, tignan mo kung magaling na din sya. pag gising na pababain mo na para kumain” sagot ni mama na nasa salas

“ma! gising na po ako, bababa na po” sagot ko tapos tumayo na
“pag may problema ka pa, lapit ka lang saken ha?” sabi ko tapos ginulo ko buhok nya
“pag ikaw din may problema, bukas ang kwarto ko, di na kailangan sirain ang pinto” tapos nag smirk sya
“adik! nagmana ka talaga saken” sabi ko habang naglalakad palabas ng kwarto nya
“di ah! nagmana kaya ako kay papa”
“isusumbong kita!” sabi ko nung nasa pinto na ako
“isumbong mo, totoo naman eh” tapos tumawa kaming dalawa, mana mana lang kasi yan (~~,)

bumaba na ako sabay diretso sa hapagkainan

“ma, sunduin daw po ako ni Lyndon mamayang 6” paalam ko agad nung pagkaupo ko
“hmm? o sige, mag-ingat ka pauwi ha? mag pahatid ka na lang sa kanila.. magaling ka na ba?”
“opo mama”

*fast forward

aish!! hindi ako makuntento sa suot ko!! ano ba kasi yung klase ng okasyon?
ngayon na lang kasi ako niyaya ni Don ng dinner date, o kung ano man to.. basta! ngayon na lang uli!

time check: 5:32pm
maaga pa naman, di talaga ako satisfied sa suot ko, ano bang gagawin ko?? errr!!
pumasok ako sa walk-in closet ko, hanap ng damit.. hanap!!

*ding dong* narinig ko, bakit.. anong oras na ba?
pag tingin ko sa relo, hala! 6 na?! panong.. ganun na ba ako katagal naghahanap ng damit? >_<

tinignan ko sarili ko sa salamin
“haaaaayyy!! this is as good as it‘s gonna get” ay, princess diaries teh?! tsk! makababa na nga

nakita kong nakangiti si Don saken
“you look wonderful” sabi nya
“talaga? feeling ko kasi hindi” tinignan ko sarili ko tapos lumapit sya saken
“it doesn‘t matter, to my eyes you are”
napangiti ako, ang keso ha?! I missed this

“let‘s go then?” tanong nya
“umm, wait magpapaalam muna ako kila mama”
“let‘s go together” tapos hinawakan nya yung kamay ko

“tito tita, pwede ko po ba muna hiramin si Len for tonight?” abah! mag effort magtagalog si Don?! himala!
“oh Don, ikaw pala. sure! basta ibabalik mo ha?”
“ma! ano ba ako? gamit na ibinabalik?”
“bakit? gusto mo na tumira kila Don?” tanong ni papa
“ee! papa naman eh! isa ka pa!”

ngumiti si Don “yes tito yes tita, ibabalik ko po sya”
tapos ngumiti na din sila mama at papa, mga adik! >_<“

hinatak ko na si Don palabas ng bahay, baka ano pang sabihin ng mga magulang ko.. hmp

nasa kotse na nya kami, naka tira din kaya to ng ‘Mary Jane’? kanina pa nakangiti eh! parang si Jay lang kahapon sa graduation [a/c: daming nangyare noh? pero 2days palang yun.. grabe..(IVANilla mode ;])]

saglit lang tumigil na kami sa … bahay nila Jay?? dito lang ba kami?

“let’s go” sabi nya tapos bumaba at umikot para pagbuksan ako ng pinto
“dito tayo?” tanong ko habang pababa ng kotse
“yeah, don‘t worry.. no one will disturb us here, Jay is with his girlfriend Yuri, Keith also went out with Dianne, aunt and uncle aren‘t here either” sagot nya saken

“ahh, okay” tapos sumunod ako sa kanya sa loob ng bahay
“dumating na din si Dianne?” tanong ko sa kanya
“yeah, we boarded the same plane.. again.. as always, but we never planed it.. coincidence I guess?”
“mmm” tapos dumiretso kami sa garden ng bahay nila

“wow” yan lang nasabi ko, ang ganda kasi ng scenery

candle lights are everywhere, table for two, tapos bukas din yung fountain sakto pa yung blooming season ng mga bulaklak, tapos unti unti pang nagpapakita yung mga stars.. nakaka in love naman! ~____^

“you like it?” tanong nya saken
“yeah, thank you.. you did all this?” tapos ignala ko yung paningin ko
“sadly no, I had to force Keith and Dianne to help me” tapos nag chuckle sya

“wait here, I‘ll go get our dinner”
tumango lang ako, tapos pumasok na sya sa loob
saglit pa, bumalik na uli sya dala yung mga pagkain namin

“let‘s eat” sabi nya
umupo kami, tinignan ko yung plato ko.. andami naman neto
balak ba akong pasukahin ni Don sa sobrang kabusugan?

nakakailang subo na ako pero antahimik padin naming dalawa

“I miss you” sabi nya bigla
“ha?” tapos napatingin ako sa kanya
“I said I miss you babe” tinititigan nya ako
“I miss you too” sagot tapos nginitian ko sya

tumayo sya bigla
“lets walk” sabi nya tapos inabot nya yung kamay nya
inabot ko naman tapos tumayo ako

medyo malawak tong garden nila Jay, kaya pwedeng maglakad lakad
magkaholding hands kami ni Don, grabe namiss ko to

“Charlynn” tawag nya saken habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad
“hmm?” tinignan ko sya
tumingin din sya saken

“I love you” sabi nya
napangiti ako

“I love you so much babe” sabi uli nya
“oh God, how blessed I am to have you” sabi nya tapos hinarap nya ako sa kanya

“I love you too Lyndon, but what‘s with you?” tanong ko sa kanya
bigla nya akong niyakap, tapos dumistansya sya konti
hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko

O_O
tapos hinalikan nya ako, a kiss of longing, naramdaman ko yung pangungulila nya saken..

“what‘s happening to you?” tanong ko uli sa kanya, bigla akong kinabahan
nakatitig lang sya sa mata ko

O_O
bigla syang lumuhod, oh my God O_O

“Charlynn Maeka del Rio, I know it‘s still early but I‘m willing to wait.. will you marry me?”
tapos inilabas nya yung singsing

I froze.. I never expected this..
“a-a-a”
nakatingin sya saken, medyo naluluha na sya

oh God naiiyak na din ako
tapos tumayo sya, pinunasan nya agad yung mata kong pinangingilidan ng luha

“marry me, will you?” inulit nya

“yes” wala sa sarili kong sagot, tapos napatingin ako sa loob ng bahay nila Jay since naka harap ako dun

nakita ko sila Jay at Yuri.. pero biglang umalis si Yuri

nakatingin saken si Jay, yung mata nya.. para akong kinakausap, may sinasabi sya pero hindi ko maintindihan.. gusto ko syang lapitan at tanungin kung ano yun.. pero bigla akong niyakap ni Don

umiwas ng tingin si Jay, umiwas nga ba?
“Yuri!!” narinig kong tawag nya, nagkamali lang ata ako ng akala.. hinahanap nya lang si Yuri sa tabi nya tapos patakbo syang umalis

“you don‘t know how much you made me happy babe” narinig kong sabi ni Don
tapos pinunasan nya yung mukha ko

nun ko lang naramdaman na bumubuhos na pala yung luha ko, wala pa naman yun kaninang niyakap ako ni Don ah? wala akong naramdaman na luha sa mukha ko, pero bakit ngayon basang basa na halos mukha ko?

niyakap uli ako ni Don, nang sobrang higpit..
niyakap ko na din sya tapos bigla akong napahagulgol
ano tong nararamdaman ko? naguguluhan ako! ano ba to?
bakit ansakit sa dibdib? di ba dapat masaya ako?

10 comments:

  1. Aaayyy...inde nmn nya alam anong cnbi nya eh...pero i can feel it...hahaha..nararamdaman ko na inde matutuloy ang kasal nla...LOL!


    BASTA KY JAY LNG AKO! *rotflmao:


    EXCITED FOR THE NEXT CHAPTER! ♥

    ReplyDelete
  2. Wahh... Len isang malaking pagkakamali na nag-say ka nang Yes kay Don ang yes mo ay para kay Jay kay Jay lamang... Kelan mo ba ma-realize na hindi si Don ang tunay mong mahal ha? Si Jay ang tunay mong mahal si Jay lamang...

    I'm so excited for the next chapter!

    ReplyDelete
  3. ayy! anu ito .. run away bride ( joke :P )
    sana ma-REALIZE na ni Len ..
    ayaw pa kasi ni jay aminin eh ..
    tsktsk , bakit kaya tumakbo si Yuri ?_? hayy , next chapter na please :">

    ReplyDelete
  4. oo nga bakit nga ba umalis si Yuri? hmp..
    ang len hindi ka masaya kasi iba mahal mo noh..

    ReplyDelete
  5. john zchairon said....
    hmmm mukangmgkaka aminan na ata..whahah nxt chap plss..
    hala demanding mode ako sowe naman xcted e!

    ReplyDelete
  6. kyaaaa! OH EEEM JEEE LEN! ANU ANG GINAWA MO? BAT KA NAG YES? BAKIT?

    NAPAKA MALAKING KASALANAN ANG GINAWA MO LEN, KAY JASPER LANG YANG YEES MO!.

    HAAI. BAT BA KASI ANG MANHID MO? :( PAG ISIPAN MO KAYANG MABUTI KUNG BAKIT NAGUGULUHAN KA! TSSK!

    JAAAY! HOLD ON! WAG KANG SUMUKU KEH LEEEN!

    ReplyDelete
  7. eto na talaga mukhang malapit na magkaalamanan wah., nabigla lang pala si len kaya ng yes pwede pa bawiin yun hahaha., kawawa talaga si jay sakit sa heart nun.... :(
    - jeck

    ReplyDelete
  8. bopbopbop Len!!!



    tyeeeeeeetttt bakit mas feel ko ang POV ni Len kesa sa POV ni Jay sa previous chapter? as in taasan ang balahibo ko... mas apektado ako dito. hehehe..

    waaaaaahhhhhhh next chaptersss na baby Camae. love you.


    -mommy

    ReplyDelete
  9. medyo bitter ang KOMENTO KO !!!
    Bat ka UM-OO LYN !
    Tseet ka naman OoOoOoOoOoooooooooooooooooooooo!
    Kalowka, sarap nyong i-BOP lahat!
    :P

    ReplyDelete
  10. takte,, napa.yes sya.. pano na to ? pero wag mag.alala engagement pa lng to.. pero khit na... at bkit nag.walk out si yuri ?? :3

    ReplyDelete