Jay’s POV
lumapit saken si Len
kaso bad trip talaga ako
nung nasa harap ko na sya bigla akong tumayo
tapos nag umpisa na akong mag lakad
“Jay! san ka pupunta?!” narinig kong tanong ni Keith saken
“uuwi na ako, mag kikita pa kami ni Dianne mamaya”
kailangan kong makausap si Dianne
kailangan nyang linawin yung sinasabi nya saken sa bar kanina
nakalabas na kami ni Keith sa subdivision nila Len
hindi na kami nag iimikan ni Keith simula kanina
halata naman na sigurong bad trip ako diba?
bakit ako bad trip? simple lang!
naaasar ako sa pinsan ko
naiinis ako dahil pinsan ko sya
naiinis ako dahil sya ang pinili ni Len
naiinis ako dahil hindi ko maprotektahan si Len sa kanya
nakarating kami sa bahay, saktong nakita kami nung kasambahay namin
“senyorito, senyorita, bakit ngayon lang po kayo?” tinanong kami ni Criselda
“aahh, kasi sarado yung bahay kanina, e wala naman kaming susi ni Jay” si Keith na ang sumagot
wala talaga ako sa mood kaya dire-diretso na ako sa loob ng bahay
at umakyat sa kwarto ko, wala na akong sinayang na oras, nahiga na agad ako at natulog
nagising ako sa yabag ng paa sa labas ng kwarto ko
“Keith!!!!!” sigaw ko
pambihira naman kasi!
may natutulog dito, tapos kung makapag lakad tong kapatid ko e akala mo dambuhala!
bumukas yung pinto ng kwarto ko
si Keith ang bumungad
“gising ka na pala?” bungad nya agad saken
tinignan ko yung relo
alas-dyes pa lang?
apat na oras pa lang ako nakakatulog tapos ang tanong ng kapatid ko ‘gising ka na pala?’
hanep naman talaga oo!
“ginising mo ako eh!”
“huh? ako?”
“sino pa nga ba ang maglalakad dyan sa corridor ng ganun kabigat ang paa?”
“huh? hindi kaya ako.. akala ko nga ikaw yung kumatok sa kwarto ko eh!”
niloloko ba ako nito? “e sinong naglalakad dyan sa labas? multo?”
“baliw ka ba? kagigising ko nga lang e diba?!”
“e sino naglalakad nga dyan?! bastusan naman oh!” tapos tinakpan ko ng unan ulo ko
“aaaaaahhh!!!” narinig kong tili ni Keith kaya napabalikwas ako at napaupo sa kama
O_O
totoo ba tong nakikita ko?
hindi ba ako nananaginip?!
si Keith ..
buhat ni Lyndon?!
“Lyndon?!”
“hi couz!”
nagulat ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko
para akong binubuhusan ng malamig na tubig
napatingin ako kay Keith
nanlaki din mata nya
ibig sabihin wala din syang alam tungkol dito
“a- a-nong ginagawa mo dito Don?” tanong ni Keith tapos napatingin sya saken
“why are you two acting as if you‘ve seen a ghost?”
“aaaa kasi..”
“what?” tapos ibinaba nya si Keith
“we are not expecting you until next week Don, we‘re just surprised?” sagot ko
akalain mong nakasagot pa ako
“aaahh, well I just wanna surprise you all, I guess it worked!” sabi nya tapos ngumiti
“what time are we going to Len‘s place?” tanong nya
“huh?” nagkatinginan kami ni Keith
“why? I‘m gonna visit my girl”
sh*t! ‘my girl’
“uhh, Don umm” takte, hindi din makabuo ng sentence si Keith
“inumaga kasi kami sa labas, baka tulog pa sya” sinalo ko na, baka ano pa masabi ni Keith eh
“aahh, I see, so later na lang, mga hapon okay? you two can go back to sleep now”
nginitian nya kami ni Keith tapos bumaba na sya
nakasunod lang ng tingin kay Don si Keith
ako naman, nakaupo lang sa kama ko
ang aga naman dumating ng bangungot ko
andito na ang pinsan ko
“Jay?”
nagulat ako, nasa harap ko na pala si Keith, di ko man lang namalayan
“oh?” sagot ko sa kanya
“pano na?”
“anong pano na?” sa totoo lang, hindi ko din alam kung ano nang gagawin ko
“si Len?” tapos umupo sya sa kama ko
“e girlfriend naman sya ni Don diba?”
“oo nga, pero .. ”
“Keith, tandaan mo, ibinilin lang sya saken ni Don.. wala akong kahit anong karapatan sa kanya, kahit best friend ko pa sya”
bumuntong hininga si Keith
ano ba tong kambal ko, mas depressed pa saken
pero sa totoo lang, nakaka depressed talaga
hindi ko na malalapitan si Len tulad ng nagagawa ko dati
di ko na sya makakausap ng wan-to-sawa
wala na! balik na sa dati ung parang hindi kami magkakilala
ang masama pa nito, nung huli kaming nagkausap bad trip ako sa kanya
humiga ako sa kama ko
tinignan ko si Keith
naka pout?
“ano bang problema mo? mas affected ka pa saken ah?” tinanong ko sya
“e kasi ..”
“ano?”
“hmp! kawawa ka naman kambal!”
natawa ako
“bakit ka naman maaawa saken?”
“e kasi yung love life mo”
“o ano ngayon?”
“napaka ewan mo! dinadamayan ka na nga eh”
“bakit nga kasi? yaan mo na yun! madami pang iba dyan”
ta*g na ano bang sinasabi ko? syempre wala nang iba pa maliban kay Len!
“denial” bulong ni Keith
“tss”
umiling sya tapos tumayo
“o san ka na pupunta?”
“sa kwarto ko”
tumango lang ako tapos lumabas na sya
pano na?
ano nang gagawin ko?
hahanap na ba ako ng iba?
lalayuan ko na ba sya?
pero, teka ano ba tong mga naiisip ko?
di ba dapat maging masaya ako?
bakit? kasi, hindi na sya mawawala saken
labo ba? simple lang yun
kung hindi sya magiging akin ngayon, at mananatili lang kaming mag kaibigan
hindi kami mag bebreak
at kung hindi kami mag bebreak o kahit ano, hindi sya mawawala saken
tama! think positive!
kaya ko to.. kaya ko to..!
kaya ko ba talaga to? =_=
kayanin mo JAY ,.,. AJA
ReplyDeletelangya namang lyndon nayan cam. bat pa ba kasi bumalik. tsss. na fe feel ko yung sadness ni jay.oh? bakit? parang affected ako? waaaa. ay carina!. i love you "wan to sawa" ..ang galing!. walang biro!. CLAP!
ReplyDeletejay kaya mo yan :) agawin mo ng paspasan hahah! joke. :)
ReplyDeletenako ! kung pwede lang tanggaling si Lyndon, e ginawa ko na sisss ! Grrrr.. Pwdeng bang tanggalin mo sis? Nawawalang ang pagasa ang Jay-Len tandem :P
ReplyDelete