Monday, April 4, 2011

Chapter Six

=_= kanina pa kami umalis ng bar, pero hindi padin kami nakakarating sa motor ni Len

o_O ay teka!! naka dress nga pala sya!
agad kong kinalkal yung bag nya para kuhain yung jacket na suot nya kaninang papunta dito

“Len, pulupot mo to sa waist mo” tapos binigay ko yung jacket nya
“huh?” kinuha nya tapos tinignan ako
“para hindi ka masilipan habang naka motor tayo”
“aahh” tapos sinuot na nya

nahilo uli sya
damn, aabutin kami ng syam syam kung ganito rin lang
hinawakan ko yung kamay nya tapos hinatak ko sya para sana dalhin sa Seattle’s Best

“Jay” napatigil ako nung narinig ko yung tawag nya
humarap ako sa kanya
“bitawan mo kamay ko” nabigla ako sa sinabi nya, bakit?
pero ginawa ko yung gusto nya
“bakit Len?”

yumuko na naman sya

“sana sayo na lang ako na in love noh?”
 O_O wala akong maisagot sa sinabi nya

“kasi, nasasaktan lang ako ngayon eh”
g@go ka Don! ikaw nga ang dahilan!

“kung ikaw sana, siguro hindi ako masasaktan ng ganito”
tapos tumingin sya saken
fcuk! umiiyak sya!!

gusto ko syang aluhin..gusto ko syang yakapin.. pero natatakot ako, baka sabihin nya tina-take advantage ko sya.. pero ngayon nya ako kailangan..

*_* bigla syang yumakap saken

“sorry Jay ha? kasi lagi ka na lang nandyan nakabantay saken, inaalagaan ako, tapos ako naman tong si pasaway.. sorry din sa nasabi ko.. alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan, dahil sa katigasan ng ulo ko.. pero kung tatanungin mo talaga ako, mafafall ako sayo..”

ano daw?! teka, teka ..

“Len”
Tinignan nya ako
hindi, hindi ngayon.. hindi ngayon ang oras namin..

“nadala ka lang ng impluwensya ng alak, halika coffee muna tayo..”
tapos bumitaw sya saken
pinunasan nya yung mata nya

“Jay nahihilo padin ako” sabi nya habang naglalakad kami
may nakita kong Starbucks, dun na lang.. mawala lang hilo nya

“Starbucks na tayo” tumango lang sya
tumawid na kami


“okay ka na?” tanong ko, mukhang nahimasmasan na sya
“okay na ko, thank you ha” tapos ngumiti na uli sya
yung ngiti nya na masaya talaga, hindi yung parang kanina na may halong lungkot

“pwede na tayong umuwi?”
“tara na.. ikaw parin ba mag dadrive?” tinanong nya ako
“bakit? gusto mo ikaw?”
ngumiti sya

“wala ka nang tama ha?”
“wala na”
“sabihin mo nga uli mga sinabi mo kanina..”
namula sya .. haha!

“joke lang, wala ka na ngang tama..”
ibinalik ko sa kanya yung susi ng motor nya

mag aalas-tres na nung nakarating kami sa unang pinuntahan naming bar

nag pout sya
“o bakit?”
“wala kang helmet eh”
“ha? problema ba yun?”
“baka mahulog ka kasi eh”
O_O “bakit mo naman nasabi yun? ihuhlog mo ba ako?”
“hindi naman .. pero ..”
“pero ano?”
“babagalan ko na lang mag drive” =_=
“mabilis ka padin mag maneho?” tinanong ko sya
“medyo”

*pak*

“aray!” napahawak sya sa helmet nya, akala mo naman yan yung ulo nya
“bagalan mo pagmamaneho mo”
sumakay na kami sa motor nya

60kmph 80kmph 90kmph

“bagalan mo Len”

60kmph
minantain nya sa ganung bilis

nakita ko na yung gate ng subdivision namin
sa sunod na subdivision pa sila nakatira

nakarating kami sa tapat ng bahay namin
pasado alas-tres na..

“uwi ka na, ingat ka ha? bagalan mo takbo mo” bilin ko sa kanya
“opo” tapos ngumiti sya

“bye Keith!”
“bye Len!”
tapos pinatakbo na uli nya yung motor nya

hala, andito pa lang si ate sa labas?!

lumingon ako sa likod ko
andun nga si ate, nakaupo sa gutter

“bat hindi ka pa pumapasok?” tinabihan ko sya
“baliw ka ba? kung pumasok ako, edi nalagot ka kila mommy at daddy”
oo nga pala, ibinilin saken si ate

“thank you ha”
“wala yun..”
natahimik kami pareho

“anong nangyare?” tinanong ako ni Keith
“ha? wala naman”
“liar!” sabi nya tapos tinignan ako

bumuntong hininga ako, huli na nya ako eh

“si Len kasi kanina nung nalasing, kung ano ano sinabi”
“huh? ano sabi nya?”

tinignan ko si ate

“sabi nya ‘sana sayo na lang ako na in love noh?’ wala akong maisagot nun, nagulat ako sa kanya” tapos tumingin ako sa langit

“sabi pa nya ‘kasi, nasasaktan lang ako ngayon eh’ unang pumasok sa isip ko si Don ang dahilan”

“‘kung ikaw sana, siguro hindi ako masasaktan ng ganito’ tapos tumingin sya saken habang umiiyak” tumingin uli ako kay ate.. di ko mabasa kung ano nasa isip nya, naaawa ba sya saken? kay Len? ano?

“tapos dito talaga ako nagulat eh.. sabi nya ‘sorry Jay ha? kasi lagi ka na lang nandyan nakabantay saken, inaalagaan ako, tapos ako naman tong si pasaway.. sorry din sa nasabi ko.. alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan, dahil sa katigasan ng ulo ko.. pero kung tatanungin mo talaga ako, mafafall ako sayo..’ pwede pala syang mafall saken?” ewan ko, parang pinitik yung dibdib ko nung inulit ko yung mga salita nya

tinignan ko si ate, nakatingin na sya sa langit, tumingin din ako

“one fact .. ”
“ano kamo?!”
“fact bro! fact! as in f-a-c-t!! hindi kung ano mang kalokohan yang nasa isip mo!”
“aahh, o sorry naman.. ano yun?”

“there are only two types of Honest people; one for sure are kids.. and the second one?” tumingin ako sa kanya.. naghihintay ng kadugtong..

“what?”

4 comments:

  1. .waaaaaaaaa.bitin.tnx

    ReplyDelete
  2. bhaby deon here!


    .....teH bitin much aketch!...nxt chap demanding mode aq ngayon :))

    ReplyDelete
  3. CARINA!!. NEXT NA!!. WAAAAAA.

    alam mo yan jay.alam mo yan. mag isip ka mabute.waaaa

    ReplyDelete
  4. tseeet sisssss ! Hmm, sa tingin ko sinadya talaga ni Len sabihin yun ! Nabibitin akiz ! Grrr :P ANg gondo :)

    ReplyDelete