Saturday, April 9, 2011

Chapter Ten

sakit nung suntok ni Don ha!
tokwang lalake yun!
ano kayang nakain nun! tsk
pero ano din yung sinabi nya?
‘woman stealer’?? bakit??

narinig bumukas yung gate
tinignan ko si Keith, ang sama na naman ng aura ng kapatid ko =_=

“Jay?” narinig kong tawag ni Don
di ako nagsasalita, asar padin ako noh!
daplisan ba mukha ko?!
sa away nga ng frat hindi ako agad nasusuntok, tapos sya libre lang?!
kalokohan! kahit pinsan ko pa sya gusto kong gumanti!! grrr

pagpasok nya ng bahay ..
fcuk!
kasama nya si Len, at ang nakaka bwisit pa dun e magka holding hands sila!
anak ng tadhana naman talaga oo!!

I gritted my teeth after seeing that
what a damned sight to see!
sabi ko na nga ba eh, masamang panaginip ko naguumpisa na..
takte, tulog pa ba talaga ako o ano?!
di ba kanina andun lang ako sa kama ko?
tapos ngayon, ano tong nakikita ko?
wooh!! kalma Jay, kalma ..
wala namang mali sa nakikita mo eh
dapat naman talaga ganyan

“dude” tinawag nya uli ako
“what?!” sabi ko habang nakatingin sa iba
“I‘m sorry” sabi nya
tumango lang ako

“Jay” tapos lumapit sya saken
“what Don? what?”
“I said I‘m sorry. I miss understood what Len said”
pagkasabi nya nun tinignan ko si Len

nakayuko lang sya.. tss
babaeng to talaga, wala sa hulog eh!

tinignan ko si Don
tapos kay Keith naman ako tumingin, naka simangot na naman to!

hinilamusan ko mukha ni Keith, kanina pa kasi naka busangot eh
“ano ba Jay! bad trip ka ah! kadiri!” tapos tumawa ako
tinignan ko uli si Don tapos nginitian ko sya, ano pa bang magagawa ko? kahit bad trip, edi sige na lang

ngumiti din sya tapos hinatak nya si Len
woooohh!! I better get used to this kind of situation from now on..
“Jay, sorry din ha?” narinig kong sabi ni Len
tinignan ako ni Keith
ay sus kambal! lagi mo na lang ba akong titignan?

“para saan?” tanong ko
“yung kaninang umaga, tapos ayan” tinuro nya yung pasa ko
“huh?” nag taka naman ako, pasa ko? bakit? ano kinalaman nya dito?

“yung kaninang umaga?”
“alam ko yun, pero anong meron sa nasuntok ako?”
“a- ano kasi..” tumingin sya kay Don
*_* haaayy

“I‘ll just tell you later couz” sabi ni Don
tumango na lang ako

“okay na tayo Jay?”
nginitian ko sya, ano pa nga ba?
“ano pa nga ba di ba?”
O_O hala! okay na diba? bakit bigla syang naluluha?!

“ui ui!! bakit??” nag-alala agad ako, napatayo pa damn! =_=
pinunasan nya yung mata nyang pinangingilidan ng luha

umiling sya
“akala ko kasi magagalit ka na talaga saken eh”
“tss, best friend mo ko di ba? bat naman ako magagalit sayo?”
“nakakatakot ka kasi eh” tapos ngumiti sya
pero may butil na naman ng luha akong nakikita sa gilid ng mata nya
“sorry kung natakot kita, di ko naman sinasadya eh”
lumunok sya, parang nagpipigil umiyak?

kinagat nya lower lip nya, nagpipigil nga sya umiyak
gusto kong hawiin si Don at tangalin yung kamay nila sa pagkakahawak
tapos yayakapin ko si Len
pero eto, sinasampal na naman ako ng katotohanan na ‘hindi pwede’
niyakap sya ni Don
sa harap ko, as in sa harap ko mismo
damn! tumingin na lang ako sa malayo tapos huminga ng malalim

hmmmmm haaaaayy..

“Jay” tinawag ako ni Keith
“oh?” napatingin ako sa kanya
inabot nya yung phone nya saken

“huh? ano to?”
“si Kristof, nasa kabilang line, kausapin ka daw”
“bat sayo pa tumawag? bat di na lang saken?” tapos inabot ko yung phone nya

“hello Tope?” tapos lumayo ako sa kanila

“ha? saan daw?”
tss, kakatapos ko lang masuntok tapos may laban na naman kami? haayy

“sige sige, pupunta ako.. wag kayong gagalaw hangga‘t wala ako”
tinapos ko na yung call

“Keith, ikaw na muna bahala sa kanila” tapos isinuot ko yung jacket ko
“oh? san ka pupunta?”

“alam mo naman kung saan pag si Tof ang kausap eh” tapos naglakad na ako papuntang pinto

“Jay!” yung boses na yun!!
yung boses na yun talaga eh!
para akong kinukuryente ng ilang volts pag naririnig ko yung tawag nya sa pangalan ko =_=

“o?” tapos tumingin ako
lakad takbo syang lumapit saken
“may laban na naman ba kayo?” tinanong nya ako na medyo mahina boses
“ahh, oo eh” tapos tinignan ko yung cellphone ko
wala lang, parang hindi ko kasi kayang tignan mata nya
baka hindi ko mapigilan sarili ko mahalikan ko pa sya

“wag ka nang pumunta please?”
=_= sheeeet.. bakit nagiging sweet ka saken Len?!
“huh? kawawa naman yung mga kagrupo ko kung wala ako dun, sabi ko hindi sila pwede gumalaw hangga‘t wala ako, baka mamatay yung mga yun pag binubugbog na sila” sagot ko
“umalis ka na sa frat Jay” sabi nya tapos hinawakan braso ko

@_@ sh*t sh*t sh*t
“ha? .. e ..” tapos nahagip ng mata ko na lumapit si Don

“hey, what‘s up? what‘s going on here? where are you going couz?”
“babe, tell him to quit his fraternity” tapos hinawakan nya din yung braso ni Don
si Don naman, ipinulupot yung kamay sa bewang ni Len
langhiya, naginit dugo ko sa scene na yun!

tinignan ako ni Don
“couz”
“sorry Len, pero mahalaga saken ang groupo ko” tapos tinangal ko yung pagkakahawak nya sa braso ko
tuluyan na akong lumabas ng bahay

wala, nabad trip ako sa nangyari..
akala ko panaginip na maganda na uli
kaso wala, wala talaga
gising ako, hindi natutulog
nasasaktan ako, sa mga nakikita at naririnig ko

akala ko kanina may pag-asang maging saken si Len dahil sa ipinapakita nyang sweetness
kaso hindi eh, parang nagamit ako
nagamit ako para sa lambingan nila
pssh, maka alis na nga at nang mailabas ko na tong kabad tripan na to sa katawan ko

kawawa naman yung masasapak ko
may galit yung mga suntok ko, kahit hindi para sa kanya
kawawang nilalang
wala eh, wala akong mapag labasan tsss

dumating ako sa location ..
“Ramirez .. akala ko hindi ka na dadating ..” hayop na -- o_O

5 comments:

  1. pede isa pa sis..ahahaha,,


    bakit ang sakit sa heart ng nangyayari kay Jay..


    bakit nafefeel ko yung sakit na nararamdaman niya,,

    (ahahaha..emotera mode)

    ReplyDelete
  2. dahil sa scene na'to:

    ""“Jay!” yung boses na yun!!
    yung boses na yun talaga eh!
    para akong kinukuryente ng ilang volts pag naririnig ko yung tawag nya sa pangalan ko =_=

    “o?” tapos tumingin ako
    lakad takbo syang lumapit saken
    “may laban na naman ba kayo?” tinanong nya ako na medyo mahina boses
    “ahh, oo eh” tapos tinignan ko yung cellphone ko
    wala lang, parang hindi ko kasi kayang tignan mata nya
    baka hindi ko mapigilan sarili ko mahalikan ko pa sya

    “wag ka nang pumunta please?”
    =_= sheeeet.. bakit nagiging sweet ka saken Len?!
    “huh? kawawa naman yung mga kagrupo ko kung wala ako dun, sabi ko hindi sila pwede gumalaw hangga‘t wala ako, baka mamatay yung mga yun pag binubugbog na sila” sagot ko
    “umalis ka na sa frat Jay” sabi nya tapos hinawakan braso ko""

    napaiyak ako.promise. bat ba kasi andyan yang don nayan. uugh!. magpakatatag ka jay.

    farang na gi gets ko na ang sapakan na sinabi mo sa sunod na chap.uuy, dugtungan mo na dahil ang kasunod ay ang paborito kung scene.hahaha

    ReplyDelete
  3. aigoooo. ang ganda. naawa talaga ako keh jay. uy author, pasayahin mo naman si jay. :(

    ps:
    umiiyak habang sinisulat tong comment nato. ang galing ksi ng kaibigan ko e.

    ReplyDelete
  4. hayyyy I love Jay akin ka na lang kung ayaw ni Len pero tama quit ka na sa frat. Next na pls. (demanding mode) :D

    ReplyDelete
  5. Okay na sana sis yung scene nila Len at Jay,
    Pa-epal lang si DON !

    Bitterr ba?
    Sensya naman ! Heheheh

    ReplyDelete