nag text si Keith kanina saken, hinahanap na daw ako ni Len
namimiss nya na kaya ako? matagal tagal ko na din syang hindi nakakasama, one week? two? ewan eh
si Yuri?
sya yung babaeng nakangiti saken nun sa Bar, ayun nga nilapitan nya ako at nakipag kilala sya
ayoko pa sana makipag kilala nung una, inosente kasi itchura nya, akala ko tipong ‘nene’
pero hanep, napahiya ako sa kanya!
car racer sya, hinamon nya ako ng karera, kaya eto ngayon boyfriend nya ako for 1month
1month lang naman, kaya pinag bigyan ko, wala naman mawawala diba?
nag umpisa ang 1month na yun last week, kaya tatlong weeks ko pa syang girlfriend
nung unang week na nagkakilala kami sinusuyo pa nya ako, ayoko talaga kasi..
e kaso ayun nga natalo nya ako, kaya dapat lang na gawin ko kung anong gusto nya
tinanong nya ako nun kung bakit daw ba ayaw ko sa kanya, maganda naman daw sya, mabait, maalaga, sexy, matalino at madaling mahalin >.< amp. babae talaga oh, ibenta daw ba sarili saken
‘alam mo Yuri, sa tingin ko naman madali kang mahalin --’
‘ayun naman pala kuya eh, alam mo naman pala eh.’
‘pwedeng patapusin ako?’
‘ay sorry po’
17years old si Yuri, 3years ang tanda ko sa kanya
gusto nya daw ako ang last dance sa debut nya
at pag natapos na daw ang gabing yun, pwede na daw kami mag break
aray, parang ginamit akong props dun ah? talo pa si Len =_=
‘e pero bakit ba ayaw mo sakin kuya Jasper?’
hinawakan ko sya sa balikat. ay sus, kinilig >.<
‘sige na kuya, isasayaw mo lang naman ako sa 18roses ko eh. please? promise ko after nun wala na tayo’
‘wow naman, ano tingin mo ba saken?’
‘e crush kasi kita noon pa! kaya nga kita tinalo sa karera para pumayag kang maging boyfriend ko eh, sige na please? one month lang naman hinihingi ko eh’
aish!! sumasakit ulo ko sa batang ito.. @_@
nag pout sya
‘bakit? may girlfriend ka na ba kaya ayaw mo?’
‘wala, wala akong girlfriend’
‘e ayun naman pala eh!’
‘pero may mahal ako’
lalo syang nag pout, eh? uso sa babae nag po-pout??
‘mahal ka din ba nya?’
binitawan ko sya tapos umiwas ng tingin
‘hindi eh, mahal nya yung pinsan ko’
‘ay! edi sa kwento nila, ikaw ang masama?’
‘ha? anong pinag sasasabi mo?’
‘parang ang labas mo e 3rd party’
‘hoy! asa ka naman, ni hindi nga ako mahal ng best friend ko bilang lalake eh, bilang kaibigan lang talaga, pano mo naman nasabi na 3rd party ako? bad trip ba bata to!’
‘hindi ako bata noh!’
ginulo ko yung buhok nya tapos lumakad na ako palayo sa kanya
hindi naman ako na bad trip sa kanya, yun lang.. yung sa sinabi nya
napaisip kasi ako kung pang gulo ba talaga ako sa relation nila Don at Len.. =_= tsk
nung nakalayo na ako bigla syang sumigaw
‘kuya Jasper!!!’ aish! ang ingay!
tumigil ako tapos nilingon sya
o_O ay putik na!
‘aray ko..’ shit, ambigat nya
‘pagselosin natin sya!’ sabi nya habang nakadagan saken, putik talaga! ampanget ng position namen! kalsada to eh! tinuruan ba tong bata na to ng mga magulang nya? nakakahiya sa mga nakakakita! grrr
‘tumayo ka nga muna! sa susunod wag mo na akong dadambahin ha?! asar, nadumihan pa damit ko, tsk!’
‘ay sorry’ tumayo sya tapos pinagpag nya yung damit ko
‘para kang bata!’ sa totoo lang, wala talaga sa itsura nyang racer sya, walang wala!! amp >.<
‘hmp! sinabi nang hindi ako bata eh!’
‘isip bata! magdadalaga ka na kaya!’
‘alam ko! kaya nga sinusulit eh’
‘ewan ko sayo.. alis na nga ako, wag mo uli akong dadambahin ha?! sasaluhin na kita at huhulog sa ilog!’
‘eh! hindi ka naman nakikinig saken eh!’
‘ano bang sinabi mo?’
‘pag selosin natin yung mahal mo sabi ko’
‘sus! hindi yun magseselos, may boyfriend yun eh’
‘e malay mo! kung pwede ma-in love ang isang tao, pwede din syang ma fall out of love. gets mo?’
tapos naalala ko yung sabi ni Len sakin nun.. na pwede syang ma-fall saken
‘kuya Jasper, ano na?’
‘ha? aah, eeh.. ano naman gagawin mo para mag selos sya kung sakali?’
‘e ano pa ba ginagawa ng mag boyfriend at girlfriend?’ tanong nya tapos ngumiti
loko to, mukha lang talagang inosente at isip bata, pero madiskarte..
‘hai, o sige na nga. gano katagal?’
‘yehey! one month lang! hanggang sa umabot ng birthday ko, okay?’
‘aist! never kong naisip na mapapa-oo ako sa isang bata’
‘hey! I told you I’m not a kid! hmp’
‘sa ikinikilos mo para kang bata’
O_O
‘bata ba ginagawa yun?’ tapos nag smirk sya, shocked padin ako
‘aahh, ano.. san ka.. nga pala.. umm, uhh nakatira?’ takte, kakautal yun ah!
‘hehe, uuwi na ako boyfriend, di mo na ako kailangan ihatid’ tapos kiniss nya uli ako sa pisngi
‘yung unang kiss means akin ka for one month, yung second? wala lang, trip ko lang, cute mo kasi eh’
damn! hindi ko talaga inakala na gagawin nya yun
yung.. ikiss nya ako sa lips na.. *_*
basta, saken na yun O_O nakaka shock talaga.. amp!
binabawi ko na yung pagiging isip bata nya, at kung ano ano pa.. eish!
“umm, Jay?” ay, ou nga pala kasama ko na si Len
“ha?”
“okay ka lang? para ka kasing baliw dyan na napapangiti habang nakatulala sa hangin”
“hala!” narinig kong reaction ni Keith sa tabi ko, pareho kaming napatingin ni Len sa kanya
“o baket?” tanong ko
“anong sabi ni Len? nakangiti ka habang nakatulala?”
“huh? oo, bakit Keith? anong problema?” tanong ni Len
anu ba naman tong si ate, laki ng problema ha?
at narinig pa nya yung sinabi ni Len na yun? e ang ingay ng paligid namin, tss astig..
“OMG bro, hindi kaya .. ?”
“huh? ano ba kasi yun?” tanong uli ni Len, o sige kayo na mag usap ..
“you don‘t know that sign Len?”
“hindi, nililito mo naman ako Keith eh” sagot naman nitong nasa kaliwa ko
“hmp! hindi kaya …”
“ano nga?! sabihin mo na ate! pabitin naman to eh!”
“hindi kaya in love ka na talaga kay Yuri?!”
O_O
*achoo!*
napatingin kami pareho ni ate kay Len
“may sakit ka ba?” tapos kinapa ko yung noo nya tsaka leeg
medyo mainit sya ah, sinat? tsk! di kasi nag iingat eh, ayan tuloy
“okay ka lang Len?” tanong ni Keith sa kanya
“aah, oo medyo masama lang pakiramdam, pero okay lang ako”
“sigurado ka? baka gusto mong dalhin kita sa clinic”
“adik ka ba Jay? graduation tapos dadalhin mo ako sa clinic?”
“bakit? e kesa naman matuluyan kang lagnatin dyan”
“hindi ayoko, ayokong umalis. dito na lang tayo”
“aba, kelan pa tumigas ulo mo?”
“ee, basta ayoko.”
“ay, ewan ko sayo, pag ikaw nagkasakit wag mo akong tatawagin sa bahay nyo ha?”
“bat kita tatawagin sa bahay? edi nagalit si Yuri saken” tapos inirapan nya ako
tinignan ko si Keith, kibit balikat lang si ate .. huh? anong meron kay Yuri?
“bat napasok si Yuri sa usapan?”
“e baka magalit sya saken pag pinapunta kita sa bahay, diba girlfriend mo sya?”
“aah, yun ba? hindi sya magagalit”
“so inaamin mong kayo nga?”
“kami naman talaga eh”
“bat ngayon mo lang sya ipinakilala saken kung kelan kayo na? bat hindi nung nanliligaw ka sa kanya?”
pano ko naman sya ipapakilala sayo, hindi naman ako nanligaw sa kanya, natalo lang nya ako sa pustahan
_______________________________________________
Authors's Comment
waaa, namiss ko to.. haha
bihira akong mag a/c.. xD
gusto ko na mag update agad! >.< pero mauubusan ako ng reserba kaya hindi pwede :p
knikilig akong natatawa sa chapter 15!! waaaaaaahhhh! :bounce:
mag comment naman kayo please?? please please please?? :(
di ba kayo naaawa saken? sige na.. yun lang hinihingi ko sa inyo.. madali lang sabihin ang naiisip nyo tungkol sa FF ko, please comment naman kayo..
nahihirapan kasi ako gumawa ng next chapters, hindi ko alam kung ano ineexpect nyo..
ngayon lang ako nahirapan gumawa ng FF, kasi dati dun sa dalawang nauna may mga nag rereact..
ang sarap kaya sa pakiramdam ng isang writer yung binabasa yung reactions ng reader nya..
please? yun lang hinihingi ko.. :(
maawa na kayo saken.. haha >,<
salamat sa pagababasa ng FF ko.. mwah! I love you all
sa Wednesday na uli ako mag uupdate
may pasok na kasi ako bukas, whole day, kaya ayun..
waaa. i knew it!. i knew it!. may something kakaiba keh yuri eh!.
ReplyDeleteauthor,author sana marame pang scene ang bakbakan at selosan na nagaganap. para naman maliwanagan si jay na may pagtingin si len sa kanya.
waaa. ayan ka na naman sa spoiler mo eh. nakaka egzoyted :(
hello camea., isa ko sa nagbabasa ng FF mu actually nabasa ko din yung last two na gawa mu at maganda sya., para naman dito sa bago mung FF infairness kinikilig ako sa mag bestfriend., :) isa ko sa mga abangerz nito whahaha., pwede b 2 chapters a day update mu? kung pede lang naman :)un lang thank you sa pagshare ng talent mu! :)
ReplyDeletebhaby devon here!
ReplyDelete...gravi teh!...labas mo ng chap 14 tas naiintriga aketch sa chap 15 huh!.....takti u never fail 2 super duper abangerz me sa nxt chap shoooookkkcssssssssss....
grabeh i super duper love this ff! eto na talaga inaabangan ko... pero sana wag naman sobrang pahirapan c len... :)) n di mafall c jay kay yuri... sakit sa heart nun! :))
ReplyDeleteaabangan ko talaga sa wed ung ff mo!!! excited much ako pag nakikita ko na may bagong chapters ka...
idol na tlaga kita basta ff ang pinaguusapan!
woah!! gusto ko talaga ng mga selosan na scene! clap clap clap!!
ReplyDeleteinfairness! nahawa ako, pagkatapos ko tong basahin, achoo ako ng achoo! hahah!!
next chapter na :))
takte kang bata ka.
ReplyDeletebopbopbop galing sa mommy :D
ang dami na palang chapters nitong FF mo hindi mo man lang pinopost sa mansion. :D
well, ang galing galing mo bebe Camae. manang mana ka sa mga magagaling na GEMS writers.
handsdown for you bebe! :-*
KALOKAA!!
ReplyDeleteAT NATALO PALA C JAY...
WAWA NMN NYA...BOP BOP TONG BATANG TO NA C YURI! rotflmao
Uyyy, selos si Len kay Yuri !
ReplyDeleteAyan na, medyo exciting.
Ayaw ko lang bumalik si Don sa eksena.
Juskoo ! Magkakaroon ng selosan ang apat :P
aloha CAMAE..
ReplyDeletethis is teh chen..
mMmmmMM...,mukhang sabay talaga wala c dianne at c lyndon hap! smell something...
wawa naman c jay at natalo sa car race..
selos effect c LEN nku bka mabuking ka lagot..
:)