oh? ano naman to? babaeng naka ngiti saken? ayoko mukhang inosente eh, baka mapaiyak ko lang
deadma lang men .. pero lumapit eh, o edi pag bigyan ang binibini.. pssh =_=
Len’s POV
dalawang lingo na din yung nakalipas nung dumating si Lyndon
bumalik muna sya sa US para sa graduation nya
pati si Dianne bumalik dun kaya wala sila sa graduation namin ngayon
timing ba? ewan, pang-asar lang.. wala dito yung girl best friend ko, pati boyfriend ko
pero okay lang naman, kasama ko naman si best friend ^^,
mantakin nyong gagraduate na si fraternity boi? haha!
pero, nagtatampo ako sa kanya
kasi may babae na syang madalas kasama
si .. umm, Yuri ba name nun?
basta yun! yung nakilala nya daw sa bar after nung laban nila last two weeks ago
ewan ko bakit hindi ko feel yung babae
maganda naman si Yuri, bagay kay Jay, pero syempre mas maganda ako.. haha, kapal lang
mabait din naman sya, pero ewan gusto kong ilayo si Jay sa kanya
e kaso, ano namang karapatan kong palayuin sya sa kaibigan ko kung gusto naman sya ni Jay?
kung gusto nga nya talaga..
aish! ano ba tong sinasabi ko? hmp!
*achoo*
@_@ aaahhh, bakit biglang sumama pakiramdam ko?
karma? tss ayan kasi, kung ano ano sinasabi ko kanina
naku wag naman sana ako sipunin
graduation na mamaya eh, ang pangit naman nun >.<
tumingin ako sa salamin
ahay, ang ganda ko na! ayun, kapal face uli. haha
*achoo*
@_@ hala naku masama ito
bumaba na ako para hanapin sila
“mama?”
asan kaya sila?
“papa?”
“Clynt?” tss, pati si bunso wala?
anu ba yan! aalis na kaya kami mamaya
asan na ba yung mga yun?
“mama!” tawag ko uli
“andito kami sa kusina!” narinig kong sagot ni mama, hay finally sumagot din
O_O
“surprise!!”
“hala?! ang galing!! ano to?” huwahaha, kunwarian effect
syempre alam kong para celebration ko to mamaya, nakakatuwa lang kasi nag effort na agad sila ^^,
pero, seryoso .. eto lang? parang ang onti naman.. haha demanding ko >.<
“early dinner natin” sabi ni mama
aaahhh, early dinner pa lang pala
edi ako na mali, akala ko para sa celebration ko na eh >.<
kumain na kami
waaaa, ayoko ma late sa graduation kaya medyo minamadali ko sila
“excited kang grumaduate ate? tsk!”
“hindi naman, pero malalate na kasi ako”
“hindi yan! kumakain pa ako, nagmamadali ka”
“ambagal mo kasi! katakawan!”
“tama na yan” awat ni papa samen
“e kasi pa eh! ang bagal!”
“pwede naman mauna ka na dun diba?”
“tsss!! wag mo akong aasahan sa graduation mo ha?!”
“bakit? sinabi kong invited ka?”
“aish! ang yabang mo talaga! kainis!”
“Charlynn, Clynt tama na yan” sinaway na uli kami ni mama
inisnaban ko si Clynt, sarap tirisin ng kapatid ko!
“hindi pwede bilisan ngumuya? hindi pwede??”
“hindi! kasi kung bibilisan ko lang, matatagalan ang digestion process ng stomach ko”
amp! bakit kasi mala henyo tong kapatid ko eh!
mauna na nga ako!
“ma, pa una na po ako sa school”
tapos dinampot ko yung toga ko
“oh? hindi mo na kami hihintayin?” tanong ni papa
“sa school na lang po pa, e antagal po ni Clynt eh”
“ganun ba? o sige, mag ingat ka”
“sige po”
*achoo!* wthell?!
“Bless you!” narinig kong sigaw ng kapatid ko
“ngumuya ka na dyan!” sagot ko naman
nailabas ko na yung motor ko
yep yep, motor ang dadalhin ko sa school papunta tas ipapauwi ko na lang kay Clynt mamaya
aww, nagdidilim na sana hindi pa ako late
“Len!” narinig kong tawag galing sa kaliwa ko
red light naman, edi tignan ko na kung sino
itinaas ko yung cover ng helmet ko
“o Hilary, ikaw pala yan”
“bakit ka naman naka motor girl?!”
“ay, e sorry kasi mas sanay ako dito eh”
“tsk! nakaka wa poise kaya!” sermonan daw ba ako sa kalsada?
“e hayaan mo na, ui go na!”
“hmp! sige, hihintayin na lang kita sa auditorium”
“sige!”
tapos pinaandar ko na din yung motor ko
argh!! ilang oras na ba kami dito?
onti lang naman graduates, pero bakit ang tagal mag umpisa?
hmp! tsaka asan na ba yung si Jay?
sabi ni Keith pinauna daw sya ni Jay dito eh
haaay, kasama kaya nya si Yuri? >.<
*achoo!*
next time, remind me not to say the name of that girl, allergic ata ako sa kanya.. haha
*achoo* aish!
ako na bitter! sige na! ako na nagseselos dahil kasama nya best friend ko! manahimik ka lang hatching ka!
“Keith!” pabulong kong tawag
lumingon sya, stunning naman itsura nitong kaibigan ko! O_O
“hui! baket?” tanong nya saken nung hindi ako nakasalita agad
“a-a a-no, umm.. si.. Jay?” naloka naman kasi ako sa ganda nya, taray! *_*
“ah, kasama si Yuri.. ihahatid nya lang daw”
“ah ganun ba? matatagalan pa kaya sya?”
“wag kang mag-alala Len, dadating din yun” tapos ngumiti si Keith at tinalikuran na uli ako,
may kausap kasi sya
napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko
haist! wala akong nakukulit, hmm.. anlayo pa nila Hilary at Lizza, asar naman oh! mukha tuloy akong loner
antagal! mukha na akong si ‘Thinker’ dito, naka palumbaba
@_@ dapat pala hindi na ako nagmadali kanina
“aray!” hanep na. kurutin daw ba pisngi ko?
sino ba yun?!
*_* Jay!!
“ang sama mo talaga!” sabi ko sa kanya
himala, nakangiti ata sya?
dahil ba kay Yuri?
*achoo* shiii! sabi sa inyo allergic ako sa pangalan nya eh, hmp!
“Bless you”
“thank you, san ka galing? tagal mo ah? mukha tuloy akong loner dito kanina”
“hinatid ko si Yuri eh, sensya naman.. dapat kinausap mo muna si Keith”
“may iba syang kausap eh”
hala, nakangiti padin sya?
ano ba talaga meron? naninibago ako sa kanya ha? hmp!
“Jay, girlfriend mo na ba si Yuri?” tanong ko
nginitian nya uli ako, hala ka naman! tumira ba to ng ‘Mary Jane’ at ganito na lang sya ka-high? katakot eh!
Bhaby Devon here!
ReplyDelete...magkakasakit ba c MM dito?...hehehehehe sobrang ganda talaga ng FF mo teh!..always aqng nag aabang sa scribes qng me upd8 kayo....at ang hilig nyu talagang mam bitin noH.....:))
hanuuh? si yuri babae? kala ko lalake sya.
ReplyDeletewala nabang sapakan galore jan? :naughty: parang nabitin ako kahapon aa.hehe.
pano kung maging girlfriend ni jay si yuri?? waaaa. gustu ko malaman reaction ni len. waaaa.
nakaka simpatya ako sayu len sa feeling na mag seselos sa bestfriend. :(
KALOKAA!!
ReplyDelete*achoo* AKO DIN PARANG MY ALLERGIC SA "YURI" jajajaja
Una si Don taz ngayon si Yuri !
ReplyDeleteSis bagay sila !
Parehas dumadating kahit di kailangan, kalowkaaa !
Wag naman sanang ligawan ni Jay si Yuri.