Monday, April 25, 2011

Chapter Twenty Two

A/C muna

waaaaaaa, parang awa nyo na po.. wag nyo itataas expectation nyo sa FF ko.. kinakabahan ako eh.. :p

ay, isa pa pala.. chapter 30, more or less tatapusin ko po ang FF ko.. ;)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Len’s POV

nagising ako mga pass 1 na, \(*o*)7 I still want to sleep though
andaming text sa cellphone ko, pati miss calls

wala na din akong lagnat o sinat ngayon, ewan ko kung pano nawala, basta okay na ako ngayon
tinitignan ko mga text ko, hmm walang text si Jay ah? pero meron si Don. puro greetings lang nandito

“congratulations, good luck on your career” basa ko sa sunod-sunod na texts
graduate na nga pala ako noh? aish, di ko maimagine
anytime soon papahawakin na ako ng position sa kumpanya namin, will I enjoy it? I doubt

yung latest text galing kay Don
“I‘m back babe, see you later tonight I have a surprise for you”
“hmm no congratulations or anything?” I silently asked to my self

reply:
“okay babe, you’ll pick me up? or I‘ll just go there? and by the way, congratulations on your graduation yesterday” --send

iniwan ko na sa kama yung cellphone ko, tapos naligo na ako

after 30mins, lumabas na din ako
geez! I still want to sleep!!
I jumped to my bed only to made me jump back up cause of the vibration my phone made @_@

Don calling …

“hello”
“babe, I was calling you for the past 30mins, why weren’t you answering?”
“sorry naligo kasi ako”
“oh, sorry.. by the way, I‘ll pick you up later okay?”
“okay, teka ano bang okasyon?”
“mmm, nothing much. let‘s just celebrate our graduation”
“aahh, okay.. anong oras mo ako susunduin pala?”
“6 o‘clock”
“I‘ll be ready then”
“okay, see you babe”
“sure, bye babe. Love you”
“I love you too”

End of call

humiga uli ako sa kama ko, kaso hindi na ako inaantok
I’m damn bored!! I need to find something to make me occupied

urgh! this is so frustrating, what can I do?
I hate this boredom! =_=

tapos napabalikwas ako nung may naisip ako (~~,)

“Clynt!!” tapos tumakbo ako sa kwarto ng kapatid ko
“Clynt!! Clynt!! buksan mo yung pinto Clynt!! bilis!!” tapos binagbag ko pa yung pinto *blag blag blag!!*

“ano yun?! ano yun!?! baket ate?!” binuksan nya yung pinto, tarantang taranta yung itsura nya. priceless!
pumasok ako sa kwarto nya, naglalakad lang ako paduo‘t parito na parang emergency, hinihintay nya sasabihin ko.. tinitigan ko sya, sabay sabing..

“patambay naman dito, namiss na kita eh” ^_____^ alam nyo yung E-V-I-L?.. ako yun eh.. haha
napanganga sya, tapos halatang bad trip, wahahahahah sorry kapatid, may sa-adik ate mo ngayon eh

“ayos ah? halos wasakin mo yung pinto ng kwarto ko tapos makikitambay ka lang dito? diba may kwarto ka naman? dun ka nga!” bulyaw nya saken.. hmp! sungit ng kapatid ko ah? namiss ko lang naman talaga sya eh

umupo ako sa kama nya, tapos tumingin sa paligid, di ko pinansin yung sinabi nya.. bahala sya dyan
may nakita akong picture frame, picture nya na may kasamang babae

“uy! sino to? ang ganda nya ah?” kinuha ko yung frame
“oi! akin na nga yan! Ate naman eh!” sigaw nya tapos hinablot yung frame
ngumiti ako “anong pangalan nya?”

tinignan nya lang ako ng masama
“alam mo, wala akong balak umalis dito, bored kasi ako kaya kukulitin na lang kita sa ayaw at sa gusto mo”
“ano bang gusto mo ate? e diba may mga kaibigan ka naman? tawagan mo sila! mag bonding kayo, wag ako ang kinukulit mo” tapos nilapag nya na uli yung picture frame, pero dun na sa laptop table nya

“di mo ba ako namiss?”
“pano kita mamimiss? di ka pa naman umaalis ah?” sagot nya saken
“aba! ang sungit mo talaga, talo mo pa babaeng nagliliha ah?! pag ako nawala, iiyak ka noh!”
“asa ka naman! bat ba ang kulit mo?! ano ba kasing gusto mo ate?”
“kukulitin nga kita, dito lang ako. kwentuhan tayo”
“haaay!!!” hinimas nya ulo nya, tapos umupo din sya sa kama, give up na siguro to.. haha

“o anong gusto mong pag kwentuhan? nakakainis ka naman ate eh”
“wag ka nang mainis, namiss lang naman kita kaya wag mo na akong itaboy. o sino na yung asa picture?”
“di ba obvious? best friend ko”
“woeh?! best friend mo babae?? best friend lang ba talaga? baka girlfriend?”
tinignan nya ako ng masama

“weh ka jan? bat ikaw at si kuya Jay? babae ka lalake sya, best friends kayo.. wag kang tamang hinala dyan”
ou nga noh, bakit hindi ko ba naisip yun?

“Cynthia Janice pangalan nya.. CJ” sabi nya habang nakatingin sa picture sa harap namin
“napakilala mo na ba sya kila mama at papa?” para maitrato namin sya na parang kapamilya ^_^
“kagabi andito sya”
“kagabi?! bat hindi ko sya nakita?”
“pano mo makikita, nagka sakit ka diba? nung dumating kayo ni kuya Jay naka pasan ka sa kanya na wala pang malay, alam mo bang grand entrance kayo kagabi? centre of attraction eh” tapos tumayo sya, may kinuha ata sa cabinet nya? anu yun?

“kasalanan ko bang mawalan ako ng malay? ginusto ko ba yun?” sagot ko sa kanya habang pinapanuod sya
“o! regalo na-- ni CJ, congratulations daw” tapos inabot nya saken yung box
“wow! thank you paki sabi” tumango lang sya tapos tumingin na sa kawalan, tss weirdo!

“wow! ang ganda naman nito! in fairness, may taste sya ” sabi ko habang tinitignan yung bracelet
napatingin sya saken “samin galing pareho yan, pinag hatian namin” sabi nya habang nakatungod
napangiti ako, “salamat ha? akala ko kinalimutan mo na ako eh” tapos kiniss ko sya sa noo

“ate, may problema ako” bigla nyang sabi tapos umupo uli sa tabi ko na bagsak balikat
“huh? ano yun?” ibinalik ko sa lalagyanan yung bracelet, saka ko sya tinignan
natuwa naman ako, bigla syang nag open saken ^_^

“ate.. kasi si CJ..” tapos napakamot sya sa ulo nya..
“hmm? si CJ? bakit, anong problema?”
“ate, gusto ko sya eh”

O_O …………………

“ate, mali ba ako? mali bang magustuhan ko best friend ko? mali bang mahalin ko sya? ayokong mawala yung friendship namin pag umamin ako sa kanya eh. pano kung layuan nya ako pag sinabi kong gusto ko sya? di ko kakayanin yun! tapos may nanliligaw din sa kanya, yung pinsan ni Lourice, di ko alam kung papano ko palalayuin yung lalake eh, ipa-hit man ko kaya? o kaya takutin ko? ipadukot ko tas ipatapon ko sa malayong lugar? ate, anong gagawin ko? tinamaan ako eh, sapul dito oh (tinuro nya yung dibdib nya)”

O_O shocked padin ako sa sinabi ni Clynt, ano bang malay kong na in-love na pala tong kapatid ko?  pag nag-aaway kasi kami, parang normal lang naman sya, walang pinagbago, tapos sasabihin nya may gusto na syang babae? wow ha! at teka kelan pa naging brutal tong kapatid ko? ipa-hit man daw? =_= adik ba talaga sya?

“ate naman eh, akala ko ba gusto mong magkwentuhan tayo? tulungan mo ako sa problema ko.. ate..”
“huh? teka, iisip ako, pero in fairness pwede mo din ipa hit man na lang” tapos tinawanan ko sya

nagseryoso na ako, parang iiyak na sya eh.. >__<

“alam mo Clynt, hindi mo naman kailangan ipapatay yung nanliligaw sa kanya para lang makampante ka.. ang adik, ipa hit man daw.. kapatid nga kita, baliw ka din eh, pero eto kidding aside.. edi sabihin mo sa kanyang gusto mo sya, kung hindi kayo edi hindi.. pero anong malay mo, kung gusto ka din pala nya? pero hindi nya lang masabi, dahil sya yung babae. alam mo kasi may pride ang mga babae pag dating sa ganyang bagay, natatakot kaming sabihin sa lalake yung nararamdaman namin, dahil takot kaming i-reject nyong mga lalake.. ano bang malay namin sa nararamdaman nyo? e ang hirap nyo kaya basahin.. basta eto gawin mo, sabihin mo sa kanya yung nararamdaman mo, tapos kung mutual, edi ligawan mo sya, kung hindi naman, maging masaya ka na lang na mag best friends kayo, at least nakakasama nyo yung isa‘t isa, maipagtatangol mo sya, ma-aalagaan mo, pwede mo na din syang mahalin ng palihim kahit alam mong hanggang friends lang talaga kayo, dahil hindi na pwede..” bumilis tibok ng puso ko pagkasabi ng mga yun @_@

“ate, may tanong pa ako”
“oh, ano pa yun?” tapos tiningnan ko sya
“kung hindi ba kayo ni kuya Don ..” tumahimik sya sandali tapos ..
“may posibilidad bang magustuhan mo si kuya Jay?”

“O_O ha?!”
“e kasi, napansin ko, parang pareho tayo ng sitwasyon, not that I‘m saying na gusto ka nga ni kuya Jay dahil may Yuri naman na sya and obviously masaya sila.. pero kasi kung titignan mo para kang si CJ sa sitwasyon ko.. kung ikaw ba si CJ, magugustuhan mo ako?”

“a-ano, pwede.. pero teka, pano mo nalaman yung tungkol kay Yuri?” (,--) tumingin ako sa kabilang side, yung hindi nya makikita

“e kasi nung umalis si kuya Jay kaninang umaga narinig ko yung usapan nila nila mama at papa, sabi ya kila ate Yuri sya pupunta.. teka, talaga? pano mo nasabi? isipin mo ako si kuya Jay”

“aahh. ha? kung ikaw si Jay? a-ano, pwede ka-kasi.. kung lagi kang nandyan para saken, inaaalagaan mo ako, ipinagtatangol, iniingatan, di mo ako pinapabayaan, lagi kitang natatakbuhan, at nararamdaman ko yung pagmamahal mo, malamang oo magustuhan kita at mahulog ang loob ko sayo”

napatungod ako, pano nga kaya kung yung nararamdaman ni Clynt nararamdaman din saken ni Jay?

pano kung, mahal din ako ng best friend ko? pero parang imposible eh, may Yuri sya, at may Don ako
(__ __”)

11 comments:

  1. LOVE IT!!


    C CLYNT TALAGA...AYIEE! :))

    SANA MAPANSIN N LEN NA MY GUS2 C JAY SAKANYA :D

    ReplyDelete
  2. ang H--adik talaga ni clynt!. walang duda magkapatid nga sila.

    waaaa. clynt i lovee you na!. may hint na si len len oh.

    ReplyDelete
  3. next na pleaseee .. nakakabitin talaga ..
    hindi mo kami masisisi mag-expect , galing mo kasi eh .. ang ganda ng story :))
    hahah .. natatawa ako kila len at clynt , magkapatid nga sila .. parehas daw silang baliw!
    baliw pag heart na ung pinag uusapan :">

    ReplyDelete
  4. Aww.. Grabe! I love Clynt talaga.. Parang sinasabi niya parehas sila ni Jay ng sitwasyon..

    Next na please..

    ReplyDelete
  5. whaah. haha. heart to heart talk ng magkapatid. hmp..
    Len!! ano ka ba mahal ka niya :p
    nkcomment ako. whaah

    ReplyDelete
  6. chapter title: conscience

    hahah.. galing talaga ni clynt..di lang basta2 pangongonsensia dahil totoo lahat ng 'yon..
    baka dahil don ehh mabuksan ang puso ni len at mapansin na talaga si Jay.

    but i'm afraid madevelop c jay kay yuri..
    wag naman camae!!! wahg..ahahah

    ReplyDelete
  7. kalowkaa ! mukhang ang magkapatid nasa iisang sitwasyon ! Mga lalako nga naman, ang babagal at ang totorpe ! Ang mga babae naman, indenial minsan?

    sorry, medyo galt ba? totoo naman kasi po diba??

    Hmm ! sis, ano ba?!
    isunod mo na ang next chappy please lang :P
    hehehehe ! take yer time.

    BOP PARA KE JAY, YURI, LEN AT DON ! HMPF :p

    ReplyDelete
  8. john zchairon hir!!
    ayeii ate more and more chapter pa poh plzzz
    bitin kac weee

    ReplyDelete
  9. heart2heart talk ng magkapatid i really love it,timing talaga si clynt, naku sana maisip na ni len na mahal sya ni jay, at sana hindi pa huli sa kanilang dalawa,
    - jeck

    ReplyDelete
  10. ahahaha kakatuwa naman ang bonding nang magkapatid na 2! at pareho pa ang lovelife nila ha. :D

    ang ganda talaga. love you baby camae :-*


    -mommy

    ReplyDelete
  11. nakoo sana tlga.. pero ang gnda naalala ko tuloy yung mga ganyang kwentuhan naming magkakapatid ^_^

    ReplyDelete